Friday , April 19 2024

Bea at Gerald, madalas pag-usapan ang kanilang nakaraan

FIFTEEN years old pa lang si Gerald Anderson ay aminado siyang crush na niya si Bea Alonzo.

“Nakakababae, nakakikilig,” reaksiyon ni Bea sa presscon ng pelikula nilangHow To Be Yours.

“Alam mo rati, sinasabi niyan sa akin. Siyempre, noong una hindi ako naniniwala kasi para namang pick up line lang niya ‘yun, eh, ha!ha!ha! Magaling itong mag-pick up line, eh. Pero siguro naman sa pagiging consistent niya  after how many years, talagang naniniwala na ako. Siyempre nakakikilig din sa parte ko. Gusto ko rin iklaro na noong 15 years siya, 16 years old lang ako,” bulalas ng aktres sabay tawa.

Napangiti rin si Bea nang aminin ni Gerald na kasalanan niya kung bakit naging maikli lang ang naging relasyon nila. Paliwanag niya, bata pa siya noong nagkamabutihan sila ni Bea.

Nagkaroon ba sila ng proper closure noong maghiwalay sila? Napag-usapan ba nila ito sa shooting ng pelikula nilang How To Be Yours?

“Oo, lalo  na ngayon halos everyday kami magkasama. Lagi naming pinag-uusapan ‘yung past namin, kung ano ‘yung mga pinagdaanan namin before. Siguro, kung hindi po kami okey at wala po kaming closure, hindi po namin mapag-uusapan ‘yun at the same time ay natatawa pa kami. Okey kami ngayon at ini-enjoy lang namin ito,” pakli ng guwapong actor.

“Siguro, through time nagkaroon kami ng closure. Kasi noong time na ‘yun parang hindi ganoon kalinaw because it was just a short relationship, so parang sa parte ko parang naisip ko sana marami pa akong nadiscover sa kanya. Hindi nga namin napagdaanan ‘yung  struggles na pinagdaanan  nina  Anj at Nino (character nila sa ‘How To Be Yours’ kasi maikli lang ‘yung relasyon namin. But when I look back, parang gusto kong balikan ‘yun time na when you’re together, ‘yun ‘yung ako na carefree as young,” sambit ni Bea.

Ano ang gustong balikan ni Gerald na moment nila ni Bea kung iisipin niya ang maikli nilang relasyon?

“’Yung tipong ang daming nangyayari sa mga career namin, sa mga professional life namin.. ang daming intriga, ang daming may ayaw pero ‘pag magkasama kami nakalilimutan ko lahat ‘yun. ‘Pag kasama ko siya parang sobrang ini-enjoy ko ‘yung moment na naroon siya sa tabi ko,” bulalas pa niya.

Gaya raw ng dati, wala pa ring pagbabago si Bea. Lagi raw tumatawa. Kahit corny ‘yung joke ni Gerald, lagi pa rin daw nakangiti si Bea.

“’Yung carefree na Bea, nakikita ko pa rin ‘pag magkasama kami,” sambit ni Gerald.

Nanghinayang ba siya na hindi nagtagal ang relasyon nila?

“Oo naman. Immature ako that time. Natakot ako sa mga nangyayari sa paligid namin. Hindi ko alam kung paano ko i-handle. Pero wala namang third party,”tugon pa ni Gerald.

Parehong single ngayon sina Bea at Gerald, ano ang status nila, nakikipag-date ba sila?

“Wala eh. Medyo wala ring oras. Ang dami ko ring ibang commitments sa career at ibang personal na ginagawa ko. Hindi po ako naghahanap talaga (girlfriend), but hindi naman ibig sabihin na nakasara ‘yung pinto ko or hindi ako open sa anumang posibleng mangyari…kung sino man ang darating sa buhay ko. Siguro, naka-focus lang ako sa ibang bagay,” saad ng guwapong actor.

Sabi naman ni Bea eight months na silang hiwalay ni Zanjoe Marudo. Friends naman daw sila ni Z (tawag kay Zanjoe) at maayos naman daw silang naghiwalay. Hindi sila nag-away.

Walang chance na magkabalikan sila ni Zanjoe?

“Hindi ko alam, eh. Basta ngayon ay magkaibigan kami,” sagot ni Bea.

Ganyan din ang sinasabi ni Bea ‘pag tinatanong kung posible bang may second chance sila ni Gerald. Mahirap daw sagutin. Hindi raw niya masabi at hindi niya alam. Sa ngayon ay hindi naman daw ‘yun ang inisiip nila ni Gerald. Basta right now, magkasama sila sa project na nag-i-enjoy sila. Weird nga ang pakiramdam nila noong simulan nilang gawin ang pelikula pero ngayon ay komportable na sila.

Sa July 27 na ang showing ng How To Be Yours. Ito ay sa direksiyon ni  Dan Villegas.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *