Thursday , April 25 2024

Pareho nang bakla!

NAG-OFFER daw ng marriage ang isang gay personality sa kanyang live-in lover for many a good year now.

Sad to say, his lover did not bite. Hindi raw siya naniniwala sa kasal na ‘yan. Mas kontento na siya that they are living together. After all, masaya naman sila and they could do everything that they wanted.

Kalokohan lang daw ang mga kasal-kasal na ‘yan. Hahahahahahahahahahahaha!

What a way to put it.

Ang totoo niyan, mas happy naman ang kanyang gay lover sa set up nila sa ngayon.

Kumbaga, he is free to flirt with everyone. Aware naman siguro ang gay personality sa metamorphosis ng kanyang lover.

Truth to tell, mas naging babae pa compared sa kanya.

Mas naging girl pa raw compared sa kanya, o! Hahahahahahahahahahaha!

Sa totoo, grabe ang swishy-swashy movements ng supposed male sa kanilang relasyon. Grabe kung magtikwasan ang mga daliri nito at maging ang boses ay mas mujer pa (mas mujer pa raw, o Harharharharharharhar!) compared sa gay personality. Hahahahahahahahahahaha!

What a pity!

Anyway, the male personality is not that loyal to his mate either. Marami rin siyang eksena na hindi alam ng kanyang gay lover.

Suffice to say, quits na lang sila. Pareho rin naman silang gumagawa ng milagro, what’s the use of being married with each other?

Parang naglolokohan lang naman sila. Hahahahahahahahahahahahaha!

Ka-amuse!

“FPJ’S ANG PROBINSYANO” HALOS ISANG TAON NANG NUMERO UNO

Handa na sa unang anibersaryo

Malalaking sorpresa ang handog ng numero unong teleserye sa bansa na “FPJ’s Ang Probinsyano” sa paparating na mga buwan bilang paghahanda at pasasalamat sa nalalapit nitong anibersaryo sa Setyembre na siguradong pakaaabangan ng mga manonood.

Dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin, makakasama pa rin ng mga tagasubaybay ang top-rating series bilang katuwang sa pagbibigay-aral at sa pagsasalamin ng araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilyang Filipino.

Mula nang umere ang palabas sa telebisyon, ipinakita ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ang kahalagahan ng kapakanan ng pamilya at pagkakaroon nang matinding pagmamahal para sa bayan.

Nagbigay kaalaman din ang palabas ukol sa mga laganap na modus ng mga kawatan sa kampanya nitong “Ligtas Tips” na naglalayong tumulong sa mga mamamayan upang makaiwas sa pambibiktima ng mga sindikato.

At ilan nga sa mga natalakay na modus ng kampanya ang budol-budol, kidnapping, at riding in tandem.

Hindi lang sa ratings namamayagpag ang serye kung hindi pati na rin sa social media. Consistent itong trending topic sa microblogging site na Twitter at mayroon milyon-milyong hits sa YouTube na kinatutuwaan ang mga eksena nina Onyok (Simon Pineda) at Makmak (McNeal Briguela) sa programa.

Lubos rin kinagiliwan ang sorpresang guest stars sa palabas na mas nagpainit at nagdagdag ng aksiyon sa serye. Ilan sa kanila sina Anne Curtis, Angelica Panganiban, Richard Yap, Jake Cuenca, Elmo Magalona, Janella Salvador, Gina Pareño, at Christopher de Leon. Naging bahagi rin ng top-rating series sina Nikki Valdez, Jane Oineza, Jay Manalo, Joem Bascon, Smokey Manaloto, at Maricar Reyes.

Bilang pasasalamat naman ng matagumpay na serye, ilang outreach programs na ang idinaos upang makatulong at makapagpasalamat sa mga kababayang nangangailangan. Isa na nga rito ang nakaraang “Oplan Balik Eskwela” na pinangunahan ni Coco. Namahagi siya ng school supplies sa mga mag-aaral ng Paradise Farm Elementary School sa Bulacan.

At sa pagpapatuloy ng maaaksiyong tagpo, tuloy-tuloy pa rin ang pagkitil ni Hector (Cesar Montano) sa buhay ng mga pulis. Sunod na nga sa kanyang listahan ang lolo ni Cardo na si Delfin (Jaime Fabregas).

Paano kaya mapipigilan ni Cardo ang mga plano ni Hector? Magawa niya kayang mailigtas ang buhay ng kanyang lolo? Malagay kaya sa peligro ang kanyang buhay?

Huwag palampasin ang maaaksiyong tagpo sa numero unong primetime teleserye, “FPJ’s Ang Probinsyano,” gabi-gabi sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Puwede rin mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

THE GREATEST LOVE BIGGEST BREAK NI SYLVIA SANCHEZ!

Sylvia Sanchez has indeed gone a long, long way.

1988 nang makita namin siya sa isang disco bar sa Butuan city. After that meeting, her life has changed and become colorful as can be.

Survivor si Sylvia dahil marami rin siyang pinagdaaan pero napagtagumpayan niyang lahat ito.

Kita n’yo naman, nawala na sina Cristina Crisol at hindi na nga maalala nang nakararami si Crystal Cristobal, pero si Sylvia ay bida pa rin sa latest dramatic soap ng ABS CBN fittingly billed The Greatest Love. Kasama niya ang mahuhusay na artista ng Dos na sina Dimples Romana, Andi Eigenmann, Noni Buencamino, Arron Villaflor, among many others.

Anyway, malaking hamon sa kakayahan ni Sylvia ang role niya bilang Gloria, a woman who has given unconditional love to her children.

Suffice to say, pinag-uusapan talaga ang kanyang character who is afflicted with profound memory loss to the point that she could no longer recognize her own children who are bickering infront of her.

Pity!

Anyway, a well kept family secret will lead her children to leave the family one by one.

As she tries to keep her family together, she is assailed with symptoms of dementia, thereby losing pieces of her memory.

Anyhow, after many years of being a working actress, Sylvia is met headlong with the biggest challenge of her career.

Being the central character of a TV soap is no joke. Sa mga balikat niya nakaatang ang responsibility to keep the soap together.

Anyway, thankful si Sylvia that her husband is most supportive of her undertakings.

Kung sasabihin daw ni Art Atayde na tumigil na siya sa pag-aartista at asikasuhin na lang ang kanyang pamilya ay susunod siya nang walang second thoughts.

Pero so far, wala naman daw ganoong request ang kanyang asawa kaya thankful pa rin siya sa Diyos.

Mapapanood na pala ang The Greatest Love beginning Monday (July 18) right after TV Patrol.

BACK TO BACK – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *