Friday , April 19 2024

Onyok at Mac Mac, itinuring na ginto ni Coco

PURING-PURI ni Coco Martin ang child actors na sina Onyok at Mac Mac na kasama niya sa Ang Probinsyano.

“Actually, napakasuerte namin. Ang hirap humanap ng batang artista. Gifted sila, eh. Hindi naman naming sinasadya, pero para kaming nakapulot ng ginto,”panimulang chika ni Coco.

“Si Onyok, ang ganda ng istorya niya. Noong nag-audition siya sa Dreamscape hindi naman siya (Onyok) ang pinili. Kasi nag-audition siya para maging anak ko. Tatlo sila, pinaiyak namin. Si Onyok, dahil four years old pa lang siya ay wala siyang idea sa acting. Pero after that, may napili na kaming isa. Noong palabas na siya ng room, sabi niya, ‘kunin n’yo ko, ha.’ Ganoon siya, maangas lang. Napatawa lang kami.

“Sabi ni Sir Deo, sino nga ‘yung batang ‘yon, si Onyok, isama natin sa Botolan para maging Aeta. Isinama namin siya tapos noong kinukunan namin, noong umaarte na siya, sabi ko, ‘direk, ang ganda ng mata ng bata.’ Wala siyang dayalog, hindi siya marunong mag-line. Kasi si direk Malu Sevilla, magaling sa bata.

“Ang gagawin namin, nagsa-shadow ako. Umaakting ako tapos gagayahin niya. Pinagtiyagaan namin siya. Later on, mas magaling na siya sa aming lahat. Punompuno na siya ng adlib. Naiinis siya kapag kaunti lang ang lines.

“Nagpapayabangan pa ‘yan. ‘O, ‘pag nagkamali pa-pizza, ha.’ Hindi namin ini-expect na ganoon pala kagaling na bata.

“Si Mac Mac naman, kilala na siya sa Youtube bilang Aura, Aura. Sabi ko, siguro ito ang magandang kuwento. ‘Yun nga, kunwari may crush siya sa akin pero may tatay siyang sundalo, ex-military na protector ng mga gang-gang. Hindi niya puwedeng ipakita ang kahinaan niya. Pero ‘yun ang bali, kapag kaharap niya ako ay lalaking-lakaki siya pero kapag nakatalikod na ako ay magiging gay na siya.

“Noong una, hindi pa siya marunong umarte pero later on sobrang galing na niya. Nagpapagalingan na sila ni Onyok. Napaka-sincere ng ibinibigay nilang acting sa show.”

Isang taon na ang Ang Probinsyano at patuloy itong humahataw sa rating, making Coco the Undisputed Primetime King ng Dos.

UNCUT – Alex Brosas

About Alex Brosas

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *