Friday , April 19 2024

Pokwang, napagkamalang bakla

00 fact sheet reggeeUMPISA palang ay aliw ng basahin ang librong Direk 2 Da Poynt na isinulat bago pumanaw si direk Wenn Deramas dahil kuwento ito ng mga dinanas niya sa buhay noong nagsisimula palang siya hanggang sa narating niya ang tagumpay bilang box office director ng mga pelikulang kumita ng hundreds of millions at balitang may umabot na rin sa isang bilyon.

Halos lahat ng artistang dumalo sa book-launching ay mga kaibigang personal ni Direk Wenn at siyempre present ang manager niyang si Ms June Rufino at lahat ng  Viva executives ay naroon kasama na ang Vice-President for Marketing na si Ms Leigh Legaspi.

Ang dalawang anak niyang sina Gabriel at Rafi ang nag-unveil ng malaking poster ng libro ng daddy nila at nakaaaliw pala ang bunso ni direk Wenn dahil super daldal at mukhang papasukin din ang showbiz pagdating ng araw.

Natawang sabi ni Roxy Liquigan, VP ng Adprom ng Star Cinema, ”puwede na bang pumasok sa Goin’ Bulilit si Rafi ‘no?” Pero kaagad sinabi ng ate ni direk Wenn na si Ate Miyam na mag-aral daw muna.

Tawang-tawa naman ang lahat sa kuwento ni Pokwang ng experience niya kay direk Wenn dahil napagkamalan daw siyang bakla as in. Hindi naman daw siya napikon dahil alam niyang palabiro ang namayapang direktor.

Bungad na kuwento ni Pokwang, ”si direk Wenn kasi kapag inookray ka niya, ibig sabihin mahal ka niya, nakaka-miss lang ‘yung pang-o-okray niya.”

At nang malaman daw ni direk Wenn na buntis na si Pokie sa Amerikanong boyfriend nitong si Lee O’Brian,  “tuwang-tuwa siya, ‘finally napatunayang babae ka. So, babae ka talaga.  Akala ko ‘yung anak mo, napulot mo lang kaya hindi ko na ipagkakalat na lalaki ka rati.’

“So, noong nabuntis ako, ‘sabi niya sa akin, gagawin natin ‘yung ‘Bakekang’, siyempre huwag kang umarte, ikaw si Bakekang, ‘yung anak mo si Crystal (kasi anak ng Amerikano).’

“So, hindi ko makalilimutan talaga kay direk Wenn na noong ‘Clown in A Million’ na akala talaga niya ay bading akesh.

“Anyway, kanina (bago pumunta sa book-launch) bago ako maligo, naghahanap ako ng pambahay, sa dinami-rami ng makukuha kong pambahay, ‘yung t-shirt na ipinamigay niya noong last shooting day namin, sabi ko nga, ‘darating ako!’”

Naibahagi rin ni Pokwang na bukambibig daw ni direk Wenn ang mga anak nitong sina Gabby at Rafi dahil sa tuwing magkukuwentuhan daw sila ay puro tungkol sa mga anak ang ikinukuwento at sobrang proud daw.

Marami raw talagang natulungang artista si direk Wenn noong nagsisimula palang sila, ”direk, saan ka man naroroon, kasama ka sa pagdarasal namin araw-araw, nagpapasalamat kami at nagkaroon kami ng mapagmahal na direktor, nakatutuwa, hingahan ng mga problema at saka napakatabang utak na ‘yung comedy niya talaga ay nakare-relate sa masa, hindi mahirap intindihin ‘yung comedy niya, hayun, tawa ka lang ng tawa, nakakaloka siya ng bonggang-bongga. Hindi ka mawawala sa puso namin,” pagtatapos ni Pokie.

Direk Andoy, ipinasampal kay Daria Ramirez

070716 wenn deramas andoy daria
Sumunod si direk Andoy Ranay na nakasama niya sa UST at matagal ng kaibigan.

“Matagal na ang friendship namin ni direk Wenn, noong nasa UST pa lang ako, naging co-actor ko siya tapos, ayaw niya sa akin kasi hindi raw ako marunong mag-peke ng suntok. Kasi lagi ko siyang nasusuntok sa tiyan niya, may eksena kasing sasapakin ko siya, eh, sinasapak ko talaga siya ng totoo.

“Eh, siyempre, bata pa ako noon, hindi pa ako marunong mag-fake, sabi niya sa akin, ‘alam mo ayoko kitang ka-eksena kasi nananapak ka, roon ka na lang sa iba, sana hindi na kita makasama ulit sa eksena.’ Siyempre, dinamdam ko ‘yun, parang ganoon ayaw mo sa akin.

“Pero after niyon, kinuha naman niya akong artista sa ‘Maibabalik Ko Lang’, sasampalin naman ako ni Daria Ramirez, so parang ‘yun ang ganti niya, roon niya ginawa na kailangang ma-print sa camera, ‘di ba tarantada? (tawa ng tawang sabi ni direk Andoy).

“Pero kung hindi dahil kay direk Wenn, wala ako rito ngayon, sa guidance na ibinigay niya sa akin, sa lahat ng lessons na itinuro niya sa akin habang AD (assistant director) niya ako at unang AD niyang regular simula sa ‘Mula Sa Puso’ (serye) hindi ko siya makalilimutan, forever. Sa totoo lang hindi ko pa tapos basahin ‘yung libro kasi mahirap basahin kapag kilala mo ‘yung taong nagsulat tapos wala na siya, hindi mo na makakasama forever, pero alam ko sa puso ko, sa isip ko, sa buong pagkatao ko siya, mahal kita direk Wenn,” say ni direk Andoy.

Nakawin na ang lahat, pati boyfriend, ‘wag lang ang oras — Direk Wenn

070516 aiai Delas Alas wenn Deramas

Present din ang Tanging Ina ni direk Wenn sa pelikula, si Ai Ai de las Alas na ibinahagi rin ang kanyang karanasan sa namayapang kaibigan at direktor.

“Ako naman lahat ng movies ko sa Star Cinema, si direk Wenn ang nag-direhe—‘Tanging Ina 1, 2 and 3’, ‘Volta’, ‘Sisterakas’, ‘BFF’, almost lahat po, siguro siyam (pelikula), siya po ang nagdirehe.

“Sa launching (movie) ko, hindi ko makalilimutan ang sinabi ni direk Wenn na, ‘nakawin n’yo na lahat, pati boyfriend ko, ‘wag lang ang oras ko.’ Ibig sabihin, bawal kaming ma-late (set). Hindi naman talaga ako nali-late, pero noong sa kanya, lalo akong hindi nali-late, kulang na lang maging crew na rin ako sa aga ko, alas singko (a.m.) nandoon na ako para hindi ako ma-late.

“Kakambal ko ‘to, eh (sabay tingin sa poster ni direk Wenn), pareho kaming may psoriasis (allergy), wala na ako ngayon direk. So sana po tangkilikin natin ‘yung book niya.”

At bago ulit nagsalita si Ai Ai ay tumulo na ang luha niya, ”hindi ako makapaniwala noong nawala siya and alam naman niyang kung gaano ko siya ka-love at ‘yung mga panahong ‘yun (lumipat ako sa GMA), alam naman niya, pero nagpaalam naman siya, sabi niya, ’bye Nyay’ (tawag ni direk sa kanya), sabi ko, ‘bye direk.’

“Kung nasaan ka man direk, alam mo mahal kita, mahirap i-explain yung pagiging magkaibigan natin and congrats sa book mo dahil dream mo rin ‘to, we miss you, I miss you, direk.”

I-extend ang pasasalamat kina Rafi at Gab

070716 wenn deramas Eugene Domingo

At si Eugene Domingo na mahal din ni direk Wenn, ”hi direk, I miss you at hindi ako natatakot kahit magpakita ka ngayon (biro ng aktres).

“I think alam naman ng lahat na mabait siya, mapagbigay, matulungin, appreciative, but given all this talks about him, I think that now that he’s not with us anymore, the most important thing to remember him is true essence.

“Puwedeng maraming nasulat sa libro, I don’t know, I haven’t read it yet, but let’s not forget the true essence of direk Wenn, he’s generous and all the things that he loves, especially the people that he really, really loved which are most of all above all, his children, to Gab and Rafi kayo ang priority ng daddy ninyo at sa ating mga nagmamahal kay direk Wenn para ma-extend natin ang pasasalamat sa kaniya at sa mga naitulong po natin, ituloy po natin ang pagmamahal sa mga batang ito na mahal na mahal niya.”

Ang Direk 2 Da Poynt book ni diren Wenn ay mabibili sa lahat ng National Bookstore na published at exclusively distributed ng VRJ (Vic del Rosario)Publishing, Inc.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *