Thursday , April 25 2024

Blush of Rose hahalimuyak na

SA naganap na unang karera nitong nagdaang Martes sa pista ng Sta. Ana Park (SAP) ay eksaktong bitaw lang sa may tres oktabos (600 meters) ang ginawa ni Miles Vacal Pilapil sa dala niyang si Simply Elegant, kaya naman pagdating sa rektahan ay may natira pa silang lakas laban sa mga rumemateng sina Townsend at Paytobesmart na dumating na segunda at tersera ayon sa pagkakasunod. Ang kabayong si Kidlat ay nakikitaan na ng improvement, kaya pagdating sa distansiyang 1,200 meters ay iuna sa listahan.

Nakuha sa tiyaga ni Jeff Bacaycay ang bugbugin na diremateng bagong mananakbo na si Aventador upang sungkitin ang unang panalo. Nabitin naman ang kabayong si Exceptional Gem dahil sa pagkakaroon ng maagang bakbakan sa unahan laban kina Asian Beauty at Tunnel Vision.

Sa ikatlong karera ay tila walang naging kalaban ang banderang tapos na si Ace Of Diamond at tanging nasambit na lamang ng mga BKs na nakapanood ay hawak niya ang alas sa panimula ng Pick-5 event. Marami naman ang nainis sa hindi magandang itininakbo ng paboritong si Paris Melody dahil imbes na masabay sa harapan gaya nang nakasanayan sa kanya ay nasa kulelat na posisyon at nung matapos ang laban ay wala man lang naireport ang mga tila nakatulog na naman na Board Of Stewards (BOS) ng SAP kung bakit nagkagayon. Aba eh kung ganyan ang mga BOS na walang report para sa kapakanan ng industriya ng karera at mga mananaya ay hindi na dapat siguro padaanin pa sa tanggapan ng PHILRACOM, diretso na tayo kay Mayor Digong. Maaari din ba na malaman kung mayroon pa rin na kaukulang suspensiyon man lang sa kabayo kapag naging iba ang naipakitang pagtakbo sa sinundan na pagsali niya? Isang may tulin sa harapan, tapos nasa hulihan.

Nakalusot na ang palaging palaban na si Security Thunder sa kamay ni Lhan Lhan Utalla, nakadehado pa. Ang paboritong si Board Walk ay puro salto ang inabot at nung makalusot ay huli na ang lahat, kaya nasegunda lang sila ni Toberts Calingasan. Hindi maganda ang itinakbo ng isa sa mga paboritong si Panamao Princess at ayon sa ating bubwit kaya nagkagayon ay naipuwesto kasi siya halos malapit sa may tabing balya kung kaya’t nagkaroon siya ng mga kalaban na pumuwesto sa gawing kanan niya na kung saan ay may kahinaan siya kapag ganoon ang laban. Sabay dugtong pa na mas mainam kasing manakbo si Panamao Princess sa bandang gitna o labas.

Nagkaroon man ng insidente na pagka-disbalanse ni apprentice rider Peter John Guce mula sa ibabaw ng kabayong si Palos ay naisalba naman ng kakuwadra niyang si High Grader ni Carlo Diala ang mga BKs sa nag-single sa kanila, kaya ganon na lamang ang kasiyahaan ng mga nagsolo taya. Nawa’y walang naging pinsala kay Peter kahit napanood pa natin siya sa kasunod na karera, na kung saan ay naipanalo siya ang sakay niyang si Kid Bogart.

Sa huling karera ay nagmistulang karambola pagdating sa meta dahil sa halos lahat ng naglaban ay hindi nagkakalayo sa isa’t-isa, lalo na nung pagpasok sa huling 100 metro. Kaya ang kinalabasan ay isang photo finish na laban at ang resulta ay nakaungos sa gawing labas ang dehadong si Toinfinitynbeyond ni Pamboy Ponce laban sa top pick na si Julia Ynna Yssa ni Kenneth Bergancia. Hindi kalayuan na tumersero ang kalahok na si Another Stunner na akala ng nakararami ay kanya na ang laban dahil lumayo siya ng bahagya pagsungaw sa rektahan, kaso napaaga ng agaw sa unahan kaya medyo napagod na. ang pumang-apat na si Blush Of Rose ay hindi malayong hahalimuyak na sa susunod na pagsali nila ni Deo Fernandez.

REKTA – Fred Magno

About Fred Magno

Check Also

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *