Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Promise gamay talaga ni Claro
Promise gamay  talaga ni Claro

Promise gamay talaga ni Claro

KAHIT  sa pista ng San Lazaro ay naipakita pa rin ni Standout ang kanyang improvement at husay sa kasalukuyan, kaya maituturing na may ibubuga pa siya sa susunod na laban niya. Kamuntik nang makabulaga ang dehadong si Red Cloud, kaya huwag na siyang lulubayan pa kahit paunti-unti lang.

Nakababa na ulit ng isang grupo sina Homerun Queen at Global Warrior, talasan ang pang-amoy sa kanila sa babagsakang grupo. Naipakita ng kabayong si Miko Na Nga na mas batak siya sa aktuwal na laban, kaya naman nasilat ang dalawang paborito.

Si Shining Mountain ay nakitaan ng magandang takbo, kaya hindi na siya madedehado sa susunod. Si Seyorita Ruth naman ay medyo kinulang pa, kaya mga dalawa pa ay puwede na siyang pitasin. Ang naging top choice na si Kitmeister ay hindi kagandahan ang ikinilos at base sa naramdaman ko ay medyo nangapa siya sa pista dahil mas sinanay siya sa pista ng Sta. Ana Park (SAP).

Nilaro lang ni Mark Alvarez ang dala niyang si Aremo at nung malapitan sila ng segunda liyamadong si Tricoinsndfountain ay kaunting hingi lang ni Mark sabay kalas ulit hanggang sa makarating sa meta. Gamay talaga ni Claro Saulog Pare Jr. si Promise dahil alam niya kung saan at paano galawan sa ibabaw ang nasabing kalahok. Nabigyang batak naman sina Native American at ang bumandera ng malayo na si Toe The Mark.

Ang paboritong si Noh Yana ay natunugan ng ilang klasmeyts natin na hindi daw maganda ang kilos, bukod pa diyan ay may hagok pa raw ? Kaya naman ang ilan ay tumutok sa parada dahil batid nila na ang hagok sa kasalukuyan ay madali nang magawan ng paraan, eh nung makitang walang tali ang dila o hindi nakalabas ang dila ay hindi na sila  sumuporta kay Noh Yana at kumambiyo na sa iba. Kung totoo man daw na meron o walang hagok ay aantabayanan na lamang nila kapag nakatali at nakalabas na ang dila ni Noh Yana. Ang naging mahalaga nung gabing iyon ay nakaligtas sila na malagay sa isang outstanding favorite. Oh ayan klasmeyt, isang karagdagang basehan na naman iyan para sa ating mga BKs.

Tuloy tayo sa ikalimang karera na kung saan ay pinatunayang muli ni Mark Alvarez na mas may maitatagal na hininga ang sakay niyang si Xen Young laban kay Pronto, pero kung lumutsa siya ay malamang na nakaiskor ang palaging palaban na si Musketeer. Si Professor Jones ayon sa ilang klameyts natin ay paiba-iba talaga ng performance ni kabayo.

Nakaiskor muli ang tambalan nina Graceparkboy at apprentice rider Peter John Alibata Guce, congrats sa’yo Peter. Ang napuna ko lang kay Graceparkboy ay masipag at matapang manakbo kapag may nakakatabi siya, ikanga ay may second win na tinatawag. Huwag basta lulubayan si Michika dahil baka biglang kalabitin na. Sina Stand In Awe at Matang Tubig ay nakalusot na ulit na makababa ng isa pang grupo, sagad-sagaran na sila.

Sa huling takbuhan ay naramdaman ng ilang klasmeyts natin sa OTB ang hilaw na pagdadala ni Toper Garganta sa kabayong si Doña Nicasia, kaya naman lumayo pa sa kanya ang katabi niya mula sa umpisa na si Cat’s Delight ni Peter John Guce. Nawagi si Cat’s Delight ng may tatlong kabayong agwat laban kay Doña Nicasia. Ang nagbabalik na si Firm Grip ay hindi pa kagandahan ang naipakta at tila naninibago pa.

REKTA’s GUIDE (Sta. Ana Park/6:30PM) :

Race-1 : (5) Oh Neng, (4) Araz, (7) Sir Jeboy.

Race-2 : (2) Wise Ways/L’audace L’audace, (1) Endless Rose, (6) Runaway Champ.

Race-3 : (1) BuenasNocheSeñores/Florida Blanca, (3) Sunday Surprise, (5) Constantinople.

Race-4 : (1) All For Mama/Papa Joe, (3) Yona/Kukurukuku Paloma, (2) Lady Leisure.

Race-5 : (8) Yani’s Song/Fire Gypsy, (5) Dainty Gal, (6) Little Ms. Hotshot.

Race-6 : (3) Robert’s Magic, (5) Jazz Goldheart, (4) Appendectomy.

Race-7 : (5) King of Less, (1) Windy Star, (2) Key Lever.

Race-8 : (7) Maaliwalas/Mainscore Sunspots, (4) Just Joe King.

REKTA – Fred Magno

COMMENTS

About Fred Magno

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved