Wednesday , April 24 2024

Pamatay na romansa nina Kiray at Enchong sa I love You To Death, hit na hit

00 SHOWBIZ ms mSOBRANG naaliw ang audience sa kabaliwan at kaaliwang dinala nina Kiray Celis at Enchong Dee sa dumagsang nanood ng premiere night ngI Love You To Death noong July 1 sa Cinema 7 ng SM Megamall.

Wagas na wagas patawa at katatakutang ip[inakita sa movie ng Comedy Princess at Tsinito Prince mula sa simula hanggang sa wakas.

Sa bawat labas nga ni Enchong at sa bawat lampungan nila ni Kiray, asahan ang bumubulwak na sigawan, tili, at hiyawan ng crowd na nagsiksikan sa sinehan. Swak na swak ang chemistry ng dalawa sa totoo lang.

Ayon kay Enchong, super natuwa siya sa kinalabasan ng movie. ”I think  this is the perfect movie for my 10th film for my 10th anniversary. Nawalang lahat ang kaba ko nang mapanood ko ang pelikula,” ani Enchong.

Wala ring pagsidlan ng galak ang aktor sa performance ni Kiray. ”No wonder, she’s being called the Comedy Princess. She lived up to the expectation dahil ang galing niya,” sambit pa ni Enchong.

“Masaya ako. Hindi namin ini-expect na ganoon kagaling si Miko (Lilvelo, the director). Lagi namin siyang inaasar. ‘Galingan mo, huh! Gandahan mo ito. Ayusin mo ito.’ Kasi parang magkakabarkda lang kami. Ang galing. Sobrang talino ni Miko.

“Ginawa namin ‘yung movie na ‘yon na parang lokohan lang. Tapos nagagalit pa kami kapag paulit-ulit. Pero maganda ang pagkakabuo,”sambit naman ni Kiray.

Aminado si Kiray na kinilig-kilig siya sa mga eksena nila ni Enchong. Hindi rin niya ipinagkaila ang naramdamang chemistry nila ng aktor.

Pero sa totoo lang, walang inhibitions ang Chong-Ki loveteam sa kanilang lampungan at halikan. Maging sa mall shows na pinuntahan daw ng dalawa, walang arte sa pagpapaligaya sa mga mall goer dahil todo bigay din sila sa kanilang harutan sa stage.

After ng premiere night ng I Love You To Death, kitang-kita ang saya kinaMother Lily at Roselle Monteverde na aminadong bumilib sa ipinamalas na galing ni Miko Lilvelo, ang direktor. Paano’y bago at fresh ang idea na ibinigay sa pelikula gayundin ang camera movements na plantsado. At ang mahalaga sa lahat alam niya ang kiliti ng masa.

Kahit nga ang horror scenes ay nakabibilib. Hindi kasi predictable gaya ng ibang horror films. Tapos, magagaling pa ang suportang ipinamalas ninaDevon Seron, Michelle Vito, Trina Legaspi, Shine Kuk, Paolo Gumabao, Christian Bables, Dino Pastra, at Nico Nicolas.

Sa bumubuo ng I Love You To Death, congratulations.

Mapapanood na sa Hulyo 6 ang I Love You To Death. Humanda sa walang humpay na sigaw, tili, at pag-ibig mula sa Comedy Princess at Tsinito Prince!

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *