Friday , April 19 2024

PDP-Laban tunay na nanindigan para sa ating kalayaan

IPINAGMAMALAKI kong naging media consultant ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa halalan noong 2013 na kakalog-kalog pa ang kasapian ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Nagpatuloy ang aking trabaho kay SKP (iyon ang tawag ng malalapit sa kanya tulad ng masipag niyang chief of staff na si Ronwaldo “Ron” Munsayac) hanggang matapos ang aking kontrata sa Senado noong Disyembre 2014.

Kaya masasabi kong kagila-gilalas na nakapagpanalo ng iluluklok sa Malakanyang ang PDP-Laban sa katauhan ni incoming President Rodrigo “Digong” Duterte.

Nasaksihan ko kamakailan sa Club Filipino, Greenhils, San Juan City ang pagpapalakas PDP-Laban National Capital Region Council (PDP-Laban NCR) sa pamumuno ni Council President Abbin Dalhani.

Ayon kay Jose Antonio Goitia, chairman ng Membership Committee ng PDP-Laban NCR at national head ng PDP Laban Policy Studies Group,  mainit ang naging pagtanggap nila sa mga dumating na datihang kasapi gayundin sa mga gustong maging miyembro ng kanilang partido

Paliwanag ni Goitia na nanunungkulan din bilang pangulo ng PDP-Laban San Juan City Council: “Maganda ang turnout ng mga nais na sumama sa aming NCR Council. Sa pagtitipong ito, ipinaliwanag muna ni Ka Anthony del Rosario ang tungkol sa five principles  ng PDP-Laban  at Ka Ed Almazan na nagbigay tanaw sa kasaysayan  ng PDP-Laban. Ipinaliwanag sa kanila ang kahulugan ng limang prinsipyo ng partido. Sa pamamagitan nito, malalaman nila kung ano ang ipinaglalaban at paninindigan ng PDP-Laban.”

Idiniin naman ng tubong Basilan na si Dalhani: “Mainam kasi na maunawaan muna ng mga bagong miyembro ang five basic party principles ng PDP-Laban. Nararapat lamang na matuklasan nila ang aming pangunahing mga prinsipyo na Theism, Authentic Humanism, Enlightened Nationalism, Democratic Centrist Socialism at Consultative and Participatory Democracy.”

Paglilinaw nina Dalhani at Goitia: “Ang PDP-Laban ang tunay na nanindigan para sa ating kalayaan. At sa pangunguna ni Sen. Pimentel na tatanghaling bagong Senate President sa pagbubukas ng 17th Congress, makaaasa ang aming kapartido na si incoming President Rodrigo Duterte sa kahandaang tumulong ng PDP-Laban para sa mga ipinangako niyang pagbabago patungo sa kaunlaran ng ating bayan.”

Binanggit din nina Dalhani at Goitia na ikinuwento rin sa pagpupulong ang kasaysayan kung paano naitatag ang PDP-Laban.

Dagdag nila: “Napakahalaga na malaman din ng bawat baguhang miyembro gayundin naman ang mga datihang PDP-Laban members na matuklasang muli ang mayamang kasaysayan ng aming partido. Dahil higit silang magiging epektibong party member kung alam nila ang pinagmulan ng partidong itinatag ni PDP founder at dating senador Aquilino “Nene” Pimentel Jr.”

Itinatag ni Pimentel ang Partido Demokratiko Pilipino sa kasagsagan ng Batas Militar na ibinaba ni dating pangulong Ferdinand Marcos noong 1972. Kalaunan, nakipag-alyansa naman noong 1983 ang Lakas ng Bayan, na binuo ni dating senador Benigno “Ninoy” Aquino, kay Pimentel upang mapagsama ang tinatawag na ngayong PDP-Laban.

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *