Tuesday , April 23 2024

Bunso ni Sylvia, modelo na

00 fact sheet reggeeISA sa rumampa bilang Cotton On for Kids clothing apparel ang bunsong anak nina Art Atayde at Sylvia Sanchez na si Xavi sa ginanap na Style Origin Festival noong Linggo ng gabi sa Trinoma Activity Center.

In full force ang Atayde family para suportahan ang kanilang bunsong si Xavi at kasama rin ang proud mamita na si Ms. Pilar Atayde at lola Lydia Nieto Espiritu.

Hindi na raw naka-hindi ang mag-asawang Art at Ibyang dahil nakita nilang excited din ang anak.

Kuwento ni Ibyang, “binilinan ko na lagi siyang mag-smile, kasi alam mo na bata, baka sumpungin lalo na ‘pag napagod. Sabi ko, ‘Xavi, always smile and show them your dimples’ sagot sa akin, ‘I’m always smiling mom, don’t tell what to do, I know.’”

Hindi nawawala ang mga ngiti ni papa Art ng sandaling iyon habang pinanonood ang bunsong anak na rumarampa sa entablado at pinapalakpakan ng lahat.

Showbiz na rin ang bunso nina papa Art, “oo nga, wala na akong magawa, malakas ang dugo ni Jojo (tunay na pangalan ni Ibyang).”

Pati si Mamita Pilar (lola ni Xavi) ay, “hay, Arturo, wala, puro artista ang mga anak mo, walang gustong magnegosyo.”

Hindi na kami magtataka kung totoong magiging commercial model pagdating ng araw si Xavi dahil maganda at may angas maglakad. Nang tanungin nga namin ito kung ano ang gusto niya paglaki, “I want to be a model.” Mukhang nabura na ang pangarap nitong sundan ang kuya Arjo niya bilang aktor.

“Naku, ngayon lang ‘yan, bukas artista na, next model ulit,” sabi naman ni Ibyang.

Ang ikatlong anak ng mag-asawa na si Gela ang ayaw pasukin ang showbiz.

“I wanna be different tita, I want to study in Julliard School of Dance in New York (USA), then I want to put up my own dance school for kids here in the Philippines after I graduated,” sabi ng dalagita.

Pero noong bata ay gustong-gustong pasukin ng dalagita ang showbiz dahil sobrang idol niya ang mama Ibyang niya lalo na noong pumasok na rin ang kuya Arjo at ate Ria niya.

“Yes po tita, at that time I want to enter showbiz, but I couldn’t because I’m still in school. I want to start early sana, but I can’t,” paliwanag sa amin ni Gela.

Hindi kasi puwede sa eskuwelahang pinapasukan ni Gela ang mga estudyante na napapanood sa TV o commercials.

As of now ay walang tapings ng FPJ’s Ang Probinsyano si Arjo dahil concentrated muna sa papatapos na eksena ni Angelica Panganiban at sa papasok nilang guest na si Cesar Montano.

“Kaya po tita, I have time to play soccer, ito lang kasi pinaka-exercise ko, this is the reason why I lose weight talaga,” pahayag ng binata.

Samantalang si Ria ay naghahanda para sa projects na gagawin niya kaya diet daw muna siya at panay ang exercise.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Ruru Madrid

Ruru Madrid tuloy-tuloy ang dating ng blessings

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG payat na binatilyo si Ruru Madrid nang pasukin ang mundo ng showbiz …

Blind Item, Men

Male starlet ‘sumisingaw’ na videos kasama ng mga customer na bading

ni Ed de Leon MAGANDA ang sideline ng isang male starlet. Tambay lang siya sa isang watering …

Kristine Hermosa Jericho Rosales

Kristine ‘di feel makatrabaho si Jericho

HATAWANni Ed de Leon BAKIT parang bantulot si Kristine Hermosa nang sabihin sa kanyang gusto siyang makasamang …

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

Daniel bumaba ang TF nang mahiwalay kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon NATATAWA kami noong isang araw sa isang blog, na nagsasabi kung …

Vilma Santos

Ate Vi karapat-dapat tanghaling National Artist

HATAWANni Ed de Leon HINDI naghahabol si VIlma Santos na matawag siyang National Artist. Katunayan,  sa tuwing sasabihin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *