Saturday , April 20 2024

Goma, na-enjoy ang bakasyon-abroad

MUKHANG aliw na aliw si Richard Gomez. Kasama niya ang kanyang asawang si Congresswoman Lucy Torres Gomez at ang kanilang anak na si Juliana sa abroad para sa isang bakasyon. Nasabay naman kasi iyon sa isang show para sa Philippine independence day na kasama siya. Naroroon na rin lang siya, eh ‘di mas mabuti ngang isama na niya ang kanyang pamilya.

Matindi rin namang pagod ang dinanas nilang lahat noong panahon ng kampanya at matapos lamang ang ilang araw pa, masasabak na naman sila sa trabaho. Si Lucy ay magbabalik na sa Kamara, samantalang siya ay mauupo namang mayor ng Ormoc. Hindi biro-birong trabaho iyan.

Mababawasan din naman ang atensiyon nila kay Juliana dahil sa rami ng trabaho. Kaya iyang bakasyong iyan, pambawi lang naman iyan.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *