Friday , April 19 2024

Gary V Presents… susugod sa Kia Theater

NAGBABALIK si Gary Valenciano para sa isang sariwa at bagong pagtatanghal ng kanyang critically acclaimed at smash hit concert franchise na Gary V Presents…, na magaganap ngayon sa Kia Theater sa Araneta Center, Cubao, Quezon City sa Hulyo 15 at 16.

Ito ang ikatlo at pinakahihintay na installment ng Gary V Presents…, na nagkaroon ng matagumpay na maiden run sa Resorts World Manila noong nakaraang taon.

Sa ilalim ng direksiyon nina Gary at ng kanyang anak na si Paolo Valenciano at sa musical direction ni Mon Faustino, isang must-see musical extravaganza angGary V Presents… dahil tampok dito ang personal choice ni Gary ng mga bagong artists, na kinabibilangan ng The X-Factor Philippines season one top finalist na si Allan Silonga ng all-male vocal group na Daddy’s Home; world music singer na si Bullet Dumas; award-winning theater actress na si Carla Guevara-Laforteza; ang mga mahuhusay na mang-aawit ng The Voice Of The Philippinesgaya ng season one grand winner na si Mitoy Yonting, season one grand finalistJanice Javier, season one finalist RJ Dela Fuente, at season two finalist Timmy Pavino; Star In A Million season two grand finalist at R&B singer Jimmy Marquez; award-winning recording artist at singer-songwriter Kiana Valenciano; at suklay diva at internet sensation Katrina Velarde at classical-pop singer Lara Maigue na parehong nagbida sa ng top-rating TV series ng TV5 na Trenderas.

Ang singer-songwriter naming si Abby Asistio ang magsisilbing opening act ng konsiyerto.

Kilala ang mga artist na ito para sa kanilang exceptional artistry at sa mga respective musical genres na kanilang kinakatawan. Marami sa kanila ang sumikat matapos maging bahagi ng iba’t ibang talent competitions sa telebisyon. Pinili sila ni Gary para maging bahagi ng concert dahil sa kanilang indibidwal na achievements bilang solo artists dahil mabilis silang nakilala sa recording, live shows at local bar circuits, teatro, at telebisyon.

“Kailangan ninyong mapanood itong concert. Punompuno ito ng pagmamahal at teamwork,” ani Gary na nagwagi bilang 2015’s Best Male Concert Performer at nagwagi drn bilang Concert Of The Year (ARISE Gary V 3.0) noong 2014, winner ng Best Inspirational Album ng 2014, at MTV Philippines OPM Icon awardee ngayon taon. ”Maligaya at excited akong makipag-reunite sa mahuhusay na artists na ito at hindi na kami makapaghintay na madala ang show na ito sa Kia Theater.”

Ang Gary V Presents… ay para sa benefit ng scholarship at diabetes programs ngShining Light Foundation Inc. Para sa mga tiket inquiries tumawag sa Ticketworld sa 911-5555 o tawagan ang 0917-5413389 at (632) 535-0786. Para sa mga karagdagang detalye bisitahin ang www.garyv.com, i-like ang GaryValencinaoOfficial sa Facebook, sundan si Gary sa Twitter (@garyvalenciano1), Instagram (@therealgaryv), at YouTube (Gary Valenciano/Gary V TV); i-like ang ManilaGenesisEM sa Facebook, at sundan ang Manila Genesis sa Twitter (@manila_genesis), Instagram (@manilagenesis), at YouTube (Manila Genesis TV).

About hataw tabloid

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *