Friday , April 26 2024

Kikay at Mikay, bida na sa pelikulang Field Trip

00 Alam mo na NonieNAGSIMULA nang mag-shooting two weeks ago sina Kikay at Mikay para sa kanilang unang pelikula na pinamagatang Field Trip. Ayon sa kuwento sa amin ng mother ni Kikay na si Mommy Diana Jang, two days straight daw nag-shooting sa Laguna ang dalawa.

Sina Kikay at Mikay na kapwa contract artist ng Viva ay likas na talented. Hindi lang kasi sa pag-arte sila magaling, pati sa sayawan at kantahan ay puwede silang isabak. Incidentally, five years ang contract ng dalawa sa Viva at si Tita Mercy Lejarde ang co-manager nila.

Si Kikay ay 7 years old, samantalang si Mikay ay 10 years old naman. Kahit nasa showbiz na sila, kapwa hindi pinapabayaan ng dalawa ang kanilang studies.

Actually, parehong matalino sina Kikay at Mikay.

Tinanong namin si Mommy Diana kung ano ang role rito nina Kikay at Mikay.

“Kabilang sila sa mga estudyante na may very supportive na parents, lalo na sa pag-aaral nila. Compare sa iba nilang kasamahan na walang pakialam tulad ng isang bata na pinabayaan ng magulang noong nagkaroon ng field trip ang school.

“Super-saya ang mga estudyante at doon na mag-i-start ang kuwento.”

Ang pelikula raw ay drama at ang aktor na si Mike Magat ang director nito.

Nabanggit naman ni Kikay na nag-enjoy at excited sila ni Mikay sa shooting nito.

“Yes po Tito, super-saya at na-excite kami dahil on the way pa lang, sa bus ay start na ng shooting. Para pong nagpi-field trip talaga kami at masaya talaga dahil ang dami din naming na-meet na bagong friends dito.”

May mapupulot na aral ba sa movie nyo?

Sagot ng cute na si Kikay, “Opo, parang sa totoong buhay ito na maraming aral at kapupulutan din ng inspirasyon. Sabi po ni Direk Mike, inspirational film ito at makaka-relate din ang mga parents sa mga anak nila. Ipapakita po kasi sa movie na  dapat suportahan ng parents ang mga anak sa mga dreams nila, lalo na po sa studies at mga pangangailangan nila.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *