Friday , April 26 2024

Hindi rin luhaan!

AS of now, marami ang nagsasabing malaki ang posibilidad na magbago ang feelings ng guwaping na young actor dahil sa refreshing appeal ng kanyang kapareha.

Ngayon pa nga lang, marami na ang nakapupuna sa malalagkit na tingin ng bagets na aktor sa kanyang leading lady, how much more kung mag-progress na ang kanilang taping rito sa Pinas, hindi kaya ma-hook na ang ombre? Hahahahahahahahaha!

At any rate, it’s highly probable that the pretty girlfriend of this dude would not find it a hard time to forget her boyfriend.

After all, another guy is simply waiting on the wings for the opportune time for him to open up his feelings to the pretty young miss. Hahahahahahahahahaha!

Hindi naman kasi mahirap mahalin ang soft-spoken young actress.

‘Yun nga lang, parang mas bagay talaga sa young actor ang bago niyang katambal sa bagong network na kanyang nilipatan.

For one, both are fun loving and outspoken and their zest for life is easily palpable in the way they are communicating with people.

Samantala, ‘yung isang chick ay medyo reserved at tipong a woman of conviction and few words.

Bagay nga ito sa bago niyang katambal na hindi rin naman masyadong ma-talkies.

Isa pang common denominator nila ang pagiging biktima ng broken home.

Nagkahiwalay ang parents ng guy noong maliliit palang sila, whereas ‘yung pretty girl naman ay nagkaroon ng problema dahil jelly fish raw ang fadir at palaging umaasa sa ermats niyang siyang bread winner ng family at the age of 70 something.

Kaya in the event na magkaroon ng chance of heart si papang pabling, hindi naman totally magiging devastated si ate dahil may shoulder to cry on naman in the person of this svelte and appealing papa with those penetrating eyes of his.

Bongga, ‘di ba naman? Hahahahahahahahahahahaha!

PINAKABAGONG KAPAMILYA LOVETEAM “ELNELLA,” PAIIBIGIN ANG MGA MANONOOD SA “BORN FOR YOU”

Mapapanood na ang pinakabagong teleseryeng handog ng ABS-CBN at Dreamscape Television Entertainment na magpapatunay na may itinadhanang tao para sa lahat, ang “Born for You” na pinagbibidahan ng pinkabagong loveteam na aabangan sa primetime, sina Janella Salvador at Elmo Magalona, na magbubukas ngayong Lunes (June 20).

Ang “Born for You” ay pinakaunang romantic series ni Janella at ang pinakaunang teleseryeng pagbibidahan naman ni Elmo sa Kapamilya network. At para sa kanilang unang pagtatambal, lubos ang saya at pasasalamat na kanilang nadarama.

“I am very happy to be with ABS-CBN and very blessed to have what I have right now. Pero kinakabahan din ako kung anong ine-expect ng mga tao, pero naniniwala ako sa io-offer namin ni Janella,” masayang pagsasaad ni Elmo.

“May konting pressure pero mas may excitement. I have a good feeling about this show kasi noong binabasa ko pa lang ang script, sobrang ganda na,” dagdag ni Janella.

Bukod sa kilig moments ng “ElNella,” hindi rin dapat palagpasin ang mga musikang kanilang ihahandog na magpapakita rin ng kanilang talento sa pagkanta.

“Music is so close to my heart at noong nalaman kong ‘yung character ko na si Kevin is really passionate about music, minahal ko agad siya,” saad ng Kapamilya actor.

“This soap gave me the opportunity to play instruments at iyon ‘yung hindi ko pa talaga naipapakita. Mas gusto ko pa lalo matutong mag-ukulele,” sabi naman ni Janella patungkol sa kung ano pa ang dapat abangan sa kanya sa serye.

Kaabang-abang ang mga eksenang mapapanood sa “Born for You” dahil bukod sa mga nakakikilig na mga tagpo ng serye, dapat din abangan ang mga makapigil-hiningang tourist spots sa Japan tulad ng Mount Fuji at Shibuya Crossing na kinuhaan ang ilan sa mga eksena ng palabas.

At bagama’t hindi pa nag-uumpisa ang serye, kaliwa’t kanang papuri na ang natatanggap nito. Consistent trending topic din ito sa social media at mainit na pinag-uusapan ng netizens.

Umiikot ang kuwento ng “Born for You” kina Sam (Janella) at Kevin (Elmo), dalawang taong itinadhana para sa isa’t isa ayon na rin sa konsepto ng red string of fate na nagsasabing isang invisible string ang nagkokonekta sa dalawang taong nakatakda para sa isa’t isa.

Musika ang maglalapit sa kanilang mga puso, ngunit ito rin ang magiging dahilan ng kanilang posibleng pagkakahiwalay dahil sa buhol-buhol na nakaraan ng kanilang mga magulang.

Anong tadhana kaya ang naghihintay para kina Sam at Kevin? Paano makaaapekto sa kanilang kapalaran ang mga pangyayari sa nakaraan? Maputol kaya ang invisible string na nagkokonekta sa kanila?

Kasama rin sa cast ng “Born for You” sina Ariel Riveral, Vina Morales, Ayen Laurel, Bernard Palanca, Gina Pareño, Freddie Webb, Jimboy Martin, Joj Agpangan, Francis Magundayao, Smokey Manaloto, Ogie Diaz, Katya Santos, DJ Durano, Alfred Labatos, Kyline Alcantara, Paulo O’hara, Neil Coleta, at Young JV.

Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Onat Diaz at Jon Villarin.

Huwag palampasin ang pag-uumpisa ng teleseryeng magpapatunay na mayroong nakatadhanang tao para sa lahat, ang “Born for You,” pagkatapos ng “Dolce Amore” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Puwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *