Friday , March 29 2024
ElNella Elmo Magalona Janella Salvador
ElNella Elmo Magalona Janella Salvador

Elmo at Janella magic at chemistry matindi at umaapaw sa “Born For You” ngayong June 20 (Next hottest love team)

SIGURADONG tulad namin na nakapanood nang buong pilot week ng “Born For You” sa ginanap na Red String Premiere sa Trinoma Cinema 7 na dinumog ng fans, lahat ng TV viewers na tutok rito starting June 20 after Dolce Amore sa ABS-CBN Primetime Bida ay hindi bibitaw sa panonood sa sobrang ganda ng musical drama TV series.

Pagbibidahan ng bagong bini-build up na loveteam ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment na sina Elmo Magalona at Janella Salvador. Isa sa malaking factor kung bakit naba-vibes namin na magiging in o papatok ang Born For You, matindi at umaapaw ang magic at chemistry nina Elmo at Janella lalo na sa scene na aksidenteng nagkasalubong ang dalawa sa Shibuya Crossing na popular na tawiran ng libo-libong Japanese at turista araw-araw sa Tokyo, Japan.

Kitang-kita ang pag-spark ng mata ni Elmo nang masilayan ang inosenteng beauty ni Janella. At ‘yung eksena nila sa bus sakay ng mga turistang hapon patungong Mount Fuji at iba pang tourist spots sa Tokyo na si Janella ang nagsisilbing tour guide, bilang sideline job niya.

Ganoon na rin ang pagkanta ng dalaga sa Park. Kaaaliwan ninyo ang bagong loveteam sa kanilang mga scene at kikiligin kayo.

Dito magsisimula ang kanilang love story na magiging komplikado dahil sa connection ng mommy ni Elmo na si Marge Sebastian (Ayen Munji-Laurel) sa aksidente ng tatay ni Janella na si Buddy Kazuko (Bernard Palanca). Inagawan ng karapatan ni Marge sa milikhang awitin ni Buddy na Born For You, in favor of his singer husband Mike Sebastian (Ariel Rovera) na bumalik ang popularity dahil sa naturang kanta.

Si Vina Morales ang gaganap na misis ni Bernard at anak nila si Janella na ang pangalan sa serye ay Samantha “Sam” Reyes Kazuko. Anak naman nina   Ariel at Ayen si Elmo bilang Kevin na sikat na young artist.

Kabilang rin sa cast sina Freddie Webb, Gina Pareño, Smokey Manaloto, Ysabel Ortega, Katya Santos, Jimboy Martin, Niel Coleta, Young JV, Ogie Diaz etc.

May special participation ang Kapamilya child actress na si Ashley Sarmiento na gaganap bilang young Janella. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jonathan “Onat” Diaz at Jon S. Villarin.

Mapapanood ang Born For You gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng Dolce Amore.   ElNella, next hottest loveteam gyud!

MAGANDANG BUHAY ANG PINAG-UUSAPAN AT KINAGIGILIWANG MORNING SHOW, RATING PALONG-PALO SA TAAS

Walang duda na ang Magandang Buhay ang pinag-uusapan at kinagigiliwang morning show sa Philippine television ngayon.

Barely 2 months sa ere, marami nang celebrity guests ang napanood sa nasabing morning show. Bukod sa araw-araw na trending, bawat episode ay nagtatala ng mataas na rating.

Ilan sa pinag-uusapang episodes ng Magandang Buhay ang first time na napanood si KC Concepcion kasama ang mga kapatid na sina Miel, Frankie and Miguel. Nakita sa nasabing episode ang other side ni KC bilang ate na iniidolo ng kanyang mga kapatid.

Sa Magandang Buhay din unang napanood sina Billy Crawford at Coleen Garcia na nagkuwento ng kanilang love story at mga plano nila.

Dito rin nagsimula ang kinakikiligang loveteam na KarJo nina Karla Estrada at daddy ni Coleen na si Jose na nauwi sa isang movie date.

Mataas din ang naitalang rating ng episode nina Senator Sonny Angara at bagong Senador Joel Villanueva kasama ang kani-kanilang pamilya.

Dito sa nasabing episode nabuo ang KarWin loveteam nina Karla Estrada at Win Gatchalian. First time din na nakita ng tao ang guwapong binatang anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan na si Donny. Marami ang  nagsabi na isang potential star si Donny. Nag-top trending sa Twitter ang nasabing episode.

Kapansin-pansin ang kakaibang giliw at sigla ng mga momshies/hosts na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal. Kitang-kita ang enjoyment nila bilang hosts ng programa.    “Nakakatuwa lang ‘yung feedback na nakukuha namin, na after their guesting, nagpapasalamat sila dahil ‘yung other side nila e nakita ng tao,” sabi ni Jolina Magdangal.

Next week ay papasok na ang Magandang Buhay sa kanilang 2nd monthsary. Isang pasabog at exciting na line up of guests and topics ang nakahanda sa viewers ng number one morning show ngayon.

No doubt na nakuha ng Magandang Buhay ang panlasa o gusto ng morning viewers.

EAT BULAGA, SOBRANG GALANTE MAMIGAY NG PAPREMYO ARAW-ARAW SA KANILANG SEGMENTS NA PATOK SA DABARKADS

Walang sawa, walang patid ang pamimigay araw-araw ng malalaking cash prize ng no. 1 noontime variety show sa Mega Manila na Eat Bulaga sa iba’t ibang segment ng show tulad ng Sugod-Bahay sa Barangay sa Juan For All All For Juan, Hakot Pa More, Lucky Hakot Truck at Pinoy Henyo.

Sa sugod-Bahay, araw-araw ay nasa barangay ang tandem nina Jose at Wally plus Maine “Yaya Dub” Mendoza, umaabot na sa more than P100K ang ipinamimigay ng Bulaga.

Sa Hakot Pa More at Lucky Hakot Truck na ngayon ay nationwide na ang hakutan ng Lucky Coins ay libo-libong cash rin ang pinapakawalan ng show, na malaking tulong, financially sa lahat ng daily winners at mananalo pa.

Sa Pinoy Henyo naman ay P50K ang puwedeng maiuwi ng pares na mananalo at makasasagot

ng tatlong perfect answers sa mga bagay, tao, lugar, pagkain at hayop na dapat masagot sa loob lamang ng dalawang minuto.

Patok ngayon sa Dabarkads viewers ang “Lola’s Playlist” ni Lola Nidora na mga bata ang kalahok na carry-carry kumanta ng old hits noong 50’s hanggang 70’s. Ang tatanghaling daily winner ay magkakamit ng P20K at tumataginting na P50,000 cash ang premyo para sa weekly winner.

Para sa mga Nanay, Tatay, Lola at Lolo ang naturang segment.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *