Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Tejeros nakapagpahinga sa laban
Tejeros nakapagpahinga sa laban

Tejeros nakapagpahinga sa laban

Mahusay ang nagawang pagpaparemate ni Jeffril Zarate sa kanyang dala na si Richard at buong-buo na rumemate pagsungaw sa rektahan hanggang sa lagpasan ang kalaban niyang si Yani Noh Yana ni Kelvin Abobo pagtawid sa meta. Tumersera sa kanila ang naggaling sa hulihan na si Peace Needed ni Renz Ubaldo. Ang iba pa nilang kalaban na nakitaan ng magandang pagpapatakbo ng kanilang mga sakay kahit pa malakas ang laban ay sina The Legend at Spring Singer, kaya huwag basta sila iiwan lalo na kapag umikli ang distansiya.

Sa kasunod na laban ay nakaiskor na si Renz ng parematehin niya ang kanyang dala na si The Lady Wins at talunin ang medyo napaaga lang na kumuha ng bandera na si Mi Bella Amore. Hindi katanggap-tanggap sa mga BKs ang hindi magandang pagpatakbo sa mga kabayong sina Valenzuela ay Bull Session.

Sa ikatlong takbuhan ay nakapag-pahinga sa unahan ang kabayong si Tejeros dahil walang gumambala sa kanya sa harapan, kaya nakabuo ng ayre at nung hingan sa rektahan ay mayroon pang ibubuga si kabayo. Pumangalawa sa kanya ang dehadong si Pocket Money na medyo umangkop na ang distansiyang 1,500 meters kaya nakaremate na ng sapat kahit hindi naprimera.

READ MORE:  Reyes: Kulang kami sa karanasan

Prenteng nirendahan naman ni apprentice rider Ramon Raquel Jr. ang stakes campainer na si Don Albertini, isang banderang tapos ang kanyang nagawa at kahit ano pang tangkang paglapit sa kanila ng kalabang si Breaking Bad ni Deo Fernandez ay hindi man lamang nakaamoy ng buntot. Hindi gumana ang mga diremateng sina Lucky Nine, Penrith at Love To Death dahil pawang maikli para sa kanila ang distansiyang 1,300 meters laban kay Don Albertini na may natural speed sa harapan.

Sa umpisa ng Pick-4 event ay nakagawa ng upset ang nagbabalik na si Hookbung Dagat laban sa na-outstanding favorite na si Total Defiance. Base sa huling dalawang takbo ni Total Defiance kabilang na iyan ay kitang-kita na walang dating o lakas na naititira pagsungaw sa rekta, kaya pag-aralang mabuti at suriin ang kasunod niyang pagsali.

READ MORE:  Sports Shocked: Ginebra vs Alaska

Sa ikaanim na takbo ay nakuha sa tiyaga ni Jonathan “King” Flores ang kanyang sakay na si Cassie Dear at naungusan na lamang palapit sa meta ang dehadong si Silver Screen. Tila kasado naman sa timbangan lang ang bumenta rin sa takilyang si Sweet Daddy’s Girl ni Mhel Nahilat, kaya huwag rin basta iiwan na hindi matayaan na susunod.

Gamay talaga ni Unoh Hernandez ang kabayong si Undisputed Art dahil alam niya kung saan at kailan gagalawan sa ibabaw, kaya nung hingan sa ultimo kuwarto ay tuloy-tuloy sa labas at lagpasan ang tila napaturbo sa narapan na si Sharp As Ever ni Toper Garganta. Naterserong malapit sa kanila ang dehadong si Pusong Bato, na maaari nating matawag na silip for the day. Si All Too Well ay medyo umaaalay lang sa pagpatakbo sa kanya ni Dunoy Raquel Jr., kaya isama palagi sa listahan, gayon din si Jazz Asia na nakapuwesto pa ng kuwarto kahit naging masama lang ang naging paglabas niya mula sa aparato.

READ MORE:  PH pumangatlo sa 1 ginto, 1 pilak at 2 tanso (Sa 2nd South East Asia Cup Squash Championship)

Sa huling karera ay inunahan na sa pagremate ni Renz Ubaldo sakay ng kabayong si Real Value ang mahigpit nilang kalaban na si Promise ni Claro Saulog Pare Jr. Pumangatlo ang dapat ng alagaan na si Time Of My Life.

REKTA’s GUIDE :

Sta. Ana Park

Race-1 : (6) Blue Phoenix, (5) Little Gem, (2) Indomitable.

Race-2 : (1) Minotaur, (3) Buena Clasica.

Race-3 : (2) Wise Ways/L’Audace L’Audace, (1) Iron Curtain, (5) Mr. Universe.

Race-4 : (2) Street Don, (5) Blu Jazz.

Race-5 : (1) Fire Gypsy, (3) Master Maker, (2) Cock A Doodle Doo.

Race-6 : (1) Contessa, (3) Blowby, (7) Kier Strider.

Race-7 : (1) Michika/Purple Heart, (6) Daunltless, (2) Watershed.

REKTA – Fred Magno

COMMENTS

About Fred Magno

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved