Friday , April 26 2024

Give President Digong Duterte a chance

NAPAKAHALAGA po itong plano ni incoming president Rodrigo Duterte na wakasan ang pamamayagpag ng illegal na droga sa ating bansa.

Makikita kung gaano siya kaseryoso laban sa mga drug lord. Walang sinisino, masagasaan na ang masagasaan basta’t sa ikasusupil ng kriminalidad sa ating bansa. Nagbabala rin siya laban sa mga protektor ng illegal na droga lalong-lalo ang mga pulis na sangkot dito.

Sa aking pananaw, dapat unawain natin si Pangulong Digong sa kanyang pananalita. Ganoon siya at wala na tayong magagawa. Pangalawa nakikita naman na mababago ang kanyang style pag siya’y nakaupo na at nanumpa na.

Ang kanyang sense of humor ay tunay na nakatutuwa, kaya ‘wag na kayong magtampo dahil ganoon siya talaga. Nagtataka lang tayo dahil kung talagang kaibigan nila si Pangulong Digong, ‘wag na silang magtampo kung hindi sila maasikaso dahil president na siya at gahol na sa oras dahil sa napakaraming problema ng ating bansa na kanyang pinag-aaralan at appointments na dapat asikasuhin.      Kung nagkataon lang na kaibigan natin si Pangulong Digong, ang una nating gagawin ay bigyan siya ng pagkakataong maipakita sa 15 milyong Filipino na bumoto sa kanya kung ano ang kanyang gagawin.

Bigyan natin siya ng panahon na makapag-isip nang tama at makapagpahinga. Give him a chance. Nakikita naman ang sinseridad at integridad ni incoming president Duterte na baguhin ang bansa natin.

Sa mga naririnig natin sa mga kaibigan sa Davao, talagang masipag si Digong pagdating sa trabaho. Uunlad ba ang Davao kung hindi siya marunong magpalakad? Tatagal ba siya sa pagka-Mayor kung hindi siya matino.

Ipagdasal natin ang kanyang panunungkulan na maging matagumpay para hindi na magkahati-hati ang ating bansa.

Congrats Mahal na Pangulong Digong!

About Jimmy Salgado

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *