Saturday , April 20 2024

Be Cool President Digong Duterte

SABI ng mga aktibistang hindi pabor sa mga inaasal ni President-elect Rodrigo “Digong” Duterte lalo sa harap ng media, “lumpenic daw si Digong.”

Ito ang ginagamit na termino ng mga aktibista sa mga bruskong pang-uugali, siga at tila walang aral.

Tila mahihirapan ang mga taga-media na timplahin ang ‘modo’ ni Digong.

Sa mga unang bahagi o oras ng pagharap ni Digong sa publiko sa pamamagitan ng media, siya ay tahimik at halos ayaw magsalita.

Pamaya-maya, biglang magseseryoso at tila mga multong nagbabangon sa isipan ang kanyang masasamang karanasan na pagalit niyang ikinukuwento sa madla.

At dito magsisimula ang walang katapusang malulutong na ‘pu – – – – ina’ kasunod ng ‘mo’ o ‘ninyo.’

Pamaya-maya pa, magbibiro at magpapatawa naman.

Para siyang karborador ng isang sasakyan na daldal nang daldal tapos biglang mag-iinit, biglang lalamig at tapos bigla namang tatawa nang tatawa.

Wala na tayong magagawa kung ganyan talaga ang pag-uugali ng ating Pangulong Digong.

Mantakin n’yo namang 70-anyos mahigit na ‘yung mama, kauna-unawa na minsan ay magkaroon siya ng mga hindi maintindihang ‘asal’ at ‘diwa.’

Pero isa lang ang gusto nating ipaabot kay Digong — “Mr. president, kaibigan po ninyo ang media. Hindi po kami nakikipag-away sa inyo. Naghahatid lang po kami ng mensahe sa taong bayan at sa iyong gobyerno. Please Don’t shoot the messenger.”

Kung mayroon mang pumila o umorbit sa inyong mga corrupt na journalists noon, ituro at pangatawanan ninyo ang inyong krusada laban sa kanila huwag po ninyong lahatin.

Sa mga katoto naman natin sa pamahayagan, ‘yung mga mahilig umorbit na may kasama pang pananakot, tantanan na ninyo ‘yan.

Dahil tiyak mayroon kayong paglalagyan.

Uulitin lang po natin, BE COOL PRESIDENT DIGONG!

Papalitang opisyal sa bagong Duterte admin i-lifestyle check muna!

As usual, tapos na ang eleksiyon, kanya-kanyang posisyon at dikitan na naman.

Nakita n’yo naman ang listahan ng mga pangalan ng bagong Gabinete ni Digong Duterte.

Sabi nga ni Digong, mahirap din pumili ng mga itatalaga sa kanyang Gabinete.

At naniniwala naman tayo riyan.

Pero puwede bang isama na rin ni Digong sa kanyang agenda na i-lifestyle check ang lahat ng papalitang opisyal?

Cabinet secretaries, under sikwataries ‘este’ secretaries, commissioner, deputy commissioner, director, bureau chief, etc.

‘Yan naman ay kung gustong mag-umpisang malinis ni Mayor Digong.

Kapag naipa-lifestyle check niya kasi ang mga dating opisyal, tiyak malalaman niya kung saan ‘tumatabo’ sa bawat departmento, bureau, at iba pang ahensiya ‘yang mga magnanakaw na opisyal.

Hindi ba’t malaking bagay ‘yun para ma-check niya kung gumagawa rin nang katiwalian ang kanyang mga itinalaga o itatalaga sa kanyang administrasyon?!

Buena mano kayo Mayor Digong, kapag nagawa ninyo ‘yang lifestyle check na ‘yan sa lahat ng papalitang opisyal.

Mabuhay ka President Mayor Digong!

BJMP busisiin din!

Ang sabi ni, Justice Secretary Vitaliano Aguirre, paiigtingin din nila ang kampanya laban sa mga ilegalista sa loob ng National Bilibid Prison (NBP).

Pero palagay natin ay hindi lang sa NBP dapat paigtingin ang kampanya laban sa mga tiwali.

Imbestigahan din ang mga warden na nakatalaga sa BJMP dahil nakapagtataka ang bilis ng kanilang pagyaman. Alam nating lahat na kung ano ang operasyon sa loob ng NBP tiyak na ganoon rin sa BJMP.

Kaya hindi lamang si SOJ Aguirre ang dapat na maglinis ng bakuran.

Dapat din pagtuunan ng masusing imbestigasyon ni incoming DILG Secretary Mike Sueno ang BJMP.

Unahin na ‘yang BJMP Bicutan!

Go!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *