Thursday , April 25 2024

Angel, posibleng ma-nominate sa LA Music Awards

NAKAPLANO ang pag-uwi ni Angel Bonilla sa Pilipinas by the end of June para gumawa ng sariling album at asikasuhin ang singing  career sa  sariling bayan. Pagkatapos niyang manalo bilang 2nd runner-up sa Discovery International Pop Music Festival sa Varna, Bulgaria ay tumuloy siya sa Los Angeles. Isang bonggang selebrasyon ang inihanda ng mga kaibigan ng Pinoy Transgender.

Naging punong abala ang kanyang mentor, Net 25 newscaster, Philippine Socialite, at produkto ng Star Magic na si Eduard Banez mula nang salubungin nila sa airport. Pati na rin ang friend nito na Hollywood star na si Jai Rodriguez at Celebrity Chef na si Joey Santos.

“Huge congrats to my good friend Angel Bonilla for placing second runner up in a HUGE overseas song writing competition. Making her the first trans person to place. Hollywood loves ya and loves that you represent your home country-Philippines  (which I’ve been to and  completely love the people and the culture),”pagbati ni Jai.

Naging isyu ang pagki-claim ng kampo ni Angel na first transgender  na nagdala ng karangalan sa Pilipinas dahil nanalo na rin daw sina Kevin  Balot at Trixie Maristela bilang Miss International Queen winners na ginanap sa Thailand.

“Sa singing si Angel ang first. Sa pageant sila,” paglilinaw ni Eduard.

“Ang importante riyan, nakikilala ang mga Pinoy transgender sa buong mundo at inilalagay nila ang mapa ng Pilipinas sa ibang bansa. Hindi na kailangang pagtalunan pa ‘yan,” dagdag pa ni Eduard.

Iniintriga rin sina Eduard at Angel kung may relasyon ba?

“Ha!ha!ha! Hindi transgender siya eh. Kailangang iangat ko siya para hindi naman sabihin ng tao na dini-discriminate ng INC ang mga transgender,” pakli niya.

“Huwag ganyan, baka itiwalag  ako.ha!ha!ha!,” sambit pa ni Eduard.

Kahit si Jai ay hindi rin daw dyowa  ni Angel dahil hindi sila talo Magkakaibigan lang daw sila at nagsusuportahan sa US.

Right now,  tuloy ang gig ni Angel sa Sofitel, Los Angeles. Nakatakda rin ang guesting niya  sa The Talk sa CBS channel sa tulong ng  Fil-Am  Emmy award winner producer na si Marc Anthony Nicolas. Matunog din ang balitang napupusuan si Angel na  ma-nominate sa isang prestigious na Music Awards sa LA. Nakaplano ang pag-uwi ni Angel  sa Pilipinas by the end of June para gumawa ng sariling  album at asikasuhin ang singing career sa sariling bayan.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *