Friday , April 26 2024

Sino si Bobby Reyes na magbabalik-PAGCOR!?

Text message po sa inyong lingkod ‘yan.

Nagbabakasakali na baka kilala raw natin si Mr. Bobby Reyes.

Kasama raw kasi si Mr. Bobby Reyes sa mga inirerekomendang maging chairman o director ng PAGCOR dahil kabilang siya sa masusugid na kampanyador ni Duterte.

Well, mukhang hindi pa naman maikli ang memorya ng inyong lingkod.

Si Mr. Bobby Reyes ay dating SBM ng Parañaque airport PAGCOR branch.

Nasabit sa isang malaking eskandalo si Mr. Bobby Reyes kay Mr. Ben Luwye, isang dayuhang VIP casino player.

Sa hindi malamang dahilan, binigyan umano ng special treatment ni Reyes si Ben Luwye. Espesyal talaga dahil lahat ng pribilehiyo ay natamasa ng Casino player.

Hanggang unti-unting nalugi ang PAGCOR Parañaque, dahil halos malimas ni Ben Luwye ang pera ng Casino sa gabi-gabing panalo nito.

Natalo muna ng P800 milyones ang Parañaque bago nahuli sa CCTV camera ang ginagawang pandaraya ni Ben Luwye gamit ang hidden micro-camera sa kanyang braso.

Pumutok ito noon sa mga balita at ipinakita kung paano ang modus operandi ni Luwye.

Nakasuhan sina Luwye at Reyes.

Pero bukod diyan nasabit rin ang pangalan ni Reyes sa ‘libreng kape’ sa Casino at ang kanyang ‘komisyon’ sa may-ari ng coffee shop.

Matunog daw ngayon ang bulungan sa Pagcor na si Bobby Reyes ay itatalagang director ni President Mayor Digong sa PAGCOR kasama ang isang Lerry Santos at Reynaldo Concordia.

‘Yang dalawa naman daw, five years ago ay sinampahan ng kaso ng PAGCOR at hanggang ngayon ay may hearing pa.

Paki-check lang po muna Mayor Digong, ‘yang mga umaali-aligid sa inyo na gustong makapuwesto diyan sa Pagcor.

Ingat-ingat po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *