Tuesday , April 16 2024

Rayver Cruz, matagal nang dream magka-album

00 SHOWBIZ ms mBAGAMAT mas nakilala bilang magaling na dancer at actor, hindi kami nagtaka nang ilunsad kamakailan ni Rayver Cruz ang kanyang album na ipinrodyus ng mga kaibigang Sam Milby at Gerald Anderson. Galing kasi sa pamilyang Cruz si Rayver na puro magagaling kumanta, ang 747 Band, Donna Cruz, Geneva Cruz, Tirso Cruz III, at iba pa kaya natural na marunong siyang kumanta at maganda ang boses ng actor.

“Actually nagsimula ito noong magkakasama kaming magkakaibigan over dinner. Si Dom, kaibigan ko, si Sam, of course si Kuya Erickson Raymundo, ng Cornerstone),” ani Rayver nang tanungin ito kung paano nagsimula ang idea na mag-record ng album.

“Kasi nga every time na lalabas kami tapos parang may parties, si Sam gusto niya ako laging pinakakanta. So naisip ko oo nga, bakit nga ba hindi,” dagdag pa nito na ipinagmalaki ni Sam sa mga kasamahan sa ASAP 20 at ipinarinig at pinahulahaan kung sino ang kumakanta.

Hindi itinanggi ni Rayver na matagal na niyang gustong magkaroon ng album, hindi nga lang napagtutuunan ng pansin dahil mas mahal niya ang pagsasayaw. “It’s just that mas na-expose ako sa pagsasayaw, simula nang makarinig ako ng beats ng music, alam ko, dancer ako talaga. Pero alam ko naman na nakakakanta ako, kasi rati, noong bata ako, ‘pag may mga 747 shows, minsan, ilalabas kami, kaya alam ko na deep inside, kaya ko.

“Mas nauna lang ang pagsasayaw,” sambit pa ni Rayver.

Sa album launching ng What You Want album ni Rayver sa Urban Bar, naroon din ang mga kaibigan niyang very proud sa kanyang album.

Ani Gerald, mag-iiba na siya ng career na first niyang nag-produce samantalang si Sam naman ay ilang beses nang nakapag-produce

“Masaya ako na siya ‘yung first, si Rayverdahil mukha namang good investment, well, nakita n’yo naman, napakagaling niya talaga,” ani Gerald.

“Sobrang happy ako para kay Ray sa kanyang album launch,” sambit naman ni Sam.

Sinabi ni Rayver na sina Justine Timberlake at Chris Brown ang kanyang musical influences at sa local naman ay si Gary Valenciano kaya nga isinama niya ang Hataw Na bilang isa sa mga kantang nakapaloob sa album.

“’Yon talaga nag isa sa choices namin, kasi ever since sino lang ba ang idol namin pagdating sa ganito kundi si sir Gary lang,” paliwanag ng binata. “At saka gusto ko kahit isang song niya lang makasama. Tingin ko rin ‘Hataw’ ang pinakabagay for song and dance.”

Ikinuwento pa ni Rayver kung paano niya ipinaalam kay Gary ang tungkol sa Hataw Na. “Nasa dressing room noon si Gary V. sa ASAP  sinabi ko na kung puwedeng i-remake ang kanta niya. Tapos he asked me kung anong kanta.  Sabi ko ‘Hataw Na’, agad-agad na pumayag siya at ni hindi nagda­lawang-isip.”

Nakapaloob ang walong tracks sa What You Want album ni Rayver kasama ang Kasayaw ni Archie D. ang dalawang awiting nag-collaborate sila ni R&B Prince Jay-R, Bitaw na carrier single, Let it Loose na collaboration kay Kyla, Hataw Na, at ang dalawang kanta na ini-record pa ni Rayver sa Singapore via the Academy of Rock Music School and Studios, ang Only Cuz I Care at Dance the Night Away.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Sparkle artists kinasabikan sa Calgary

COOL JOE!ni Joe Barrameda MALAKI ang agwat ng ratings ng pilot episode ng It’s Showtime sa GMA 7 over Eat …

Bong Revilla Jr PMPC

Sen Bong nakipag-bonding sa PMPC

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYANG nakipag-bonding noong Linggo, April 7, si Sen. Bong Revilla sa mga miyembro ng Philippine …

Pokwang Lee O’Brian Malia

Pokwang payag madalaw ng anak si Lee O’Brian sa Amerika

MA at PAni Rommel Placente SA exclusive interview nI Pokwang Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, April …

Sarah Lahbati Ruffa Gutierrez Annabelle Rama

Ruffa ipinagtanggol naglalabasang quote cards ni Annabelle fake

MA at PAni Rommel Placente MAY post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang mga naglabasang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *