Thursday , April 25 2024

Love Me Tomorrow, timely at kakaiba para kay Dawn

00 SHOWBIZ ms mTIMELY. Ito ang tinuran ni Dawn Zulueta nang makausap namin ito sa presscon noong Lunes ng bago nilang pelikula nina Piolo Pascual at Coleen Garcia, angLove Me Tomorrow ng Star Cinema na mapapanood na sa May 25.

Napapanahon nga raw ang istorya ng Love Me Tomorrow na isang generational love story na nakasentro sa paglalakbay ng isang batang lalaki na si JC (Piolo), isang batang babae na maraming problema na si Janine (Coleen), at isang renaissance woman na si Christy (Dawn). Layunin ng pelikulang ito na alamin kung kaya ba talaga ng pag-ibig na malagpasan ang iba-ibang gaps sa edad at estado sa buhay.

“I think that this particular material is timely. Kaya noong sinabi nila itong project sa akin tapos si Piolo ang kasama ko, I really considered that a great honor.

“It’s a wonderful opportunity also for me to do naman something different,” ani Dawn na sa temang May-December love affair nila ni Piolo ay hindi kita ang agwat ng edad ng actor sa kanya.

Sinabi pa ni Dawn na nag-request siya sa Star Cinema ng isang project na hindi drama. ”I want to do something lighter para naman I can also explore my other facilities as an actress.

“Matagal ko nang inire-request sa ABS-CBN at sa Star Cinema na bigyan naman nila ako ng hindi drama. I’ve been doing heavy drama  since 2009 pa. Anong taon na ngayon? Kaya it’s good I have this movie.”

Ani Dawn, gusto rin niyang maiba ang ginagawa niya. ”Usually, ’di ba lately ang mga nagagawa kong mga project ’yung role of a mother, may kids, kaya tamang-tama ito, para maiba naman.”

Inihayag pa ni Dawn na sobrang na-enjoy niya ang role niya sa Love Me Tomorrow o ‘yung mga tinatawag na Titas of Manila. ”It’s exciting I think. It’s very timely movie, timely subject. Very light romance I hope people will watch it especially women who can relate to this. I hope they will enjoy and they can live that life through me.”

Natanong din si Dawn kung ano ang na-enjoy niya sa paggawa ng naturang pelikula. ”Let’s put it this way, when you reach as this age where I am right now, you have much freedom already, a woman who grown into herself.

“Alam mo na kung ano ang gusto mo. Kasi you have that experiences to back it up. Hindi gaya noong 21 ka or 25 years old na naghahanap ka ng freedom.

“I feel it’s an exciting time, a lot of people should really know that. Siyempre the young would like to think na it’s fun when you’re young, and single parang ‘pag may asawa ka na at naroon ka na sa stage na ‘yon hindi ka na fun.

“No. actually it’s not, it’s a different level and a different kind of fun. That you gonna have.”

At dahil sa Love Me Tomorrow, nalaman ni Dawn na malaki na ang pagkakaiba kapag nagpa-party o ‘yung tinatawag na disco noon.

“Ngayon lang muli ako nakapag-party. Nakakatawa kasi hindi ko na alam ‘yung night life na uso ngayon. Ang alam ko lang ‘yung time ko which was discotheque pa ang tawag noon.

“Gino (Santos, director) had to explain it to me. We didn’t have that,  one dance floor. Now, they are more free, and the music, it’s different na, however may mga na-revive lang na music.

“I think, I learn more out of this experience,” masayang kuwento pa ni Dawn.

Samantala, hindi muna raw siya gagawa ng teleserye ngayon. Baka raw next year na uli siya tumanggap ng project sa TV. ”Take a break, rest muna (teleserye), kakatapos lang naman ng You’re My Home.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *