Saturday , April 20 2024

Pres. Digong Duterte Mabuhay Ka!

TALAGANG nagsalita na ang taong bayan at maliwanag na ang gusto ay si Pres. Digong Duterte.

Si Pres. Digong ang mahal nila at isa lang ang mensahe nito change o pagbabago.

Kaya wala na tayong magagawa kahit ano ang political color natin basta ang mahalaga magkaroon ng unity ang bansang ito.

At ‘wag puro pagmamalaki ‘di ba?

Gusto ko lang kay Pangulong Digong ay may sense of humor siya kaya ‘yun ang lakas niya sa masa.

Inaasahan ng sambayanan na sugpuin niya ang kriminalidad kagaya ng ipinangako niya lalong-lalo na ang ilegal na droga.

Kaya sana, magkaisa na ang mga Filipino at magmahalan para sa ikauunlad at ikatatahimaik ng ating bayan. Baguhin na natin ang ‘di magandang ugali sa ating mga sarili at dapat ang pagbabago ay umpisahan na lalo sa sarili natin.

‘Wag iasa ang buhay ninyo sa gobyerno. Work hard for this country. ‘Wag puro kayabangan at walang mangyayari sa buhay ninyo!

Ang hiling ko kay Pres. Digong ang pagtuunan ng pansin ay ang bilyon perang nawawala dahil sa corruption kagaya sa DepEd, DOH, DAR, Department of Agriculture, PAGCOR, DPWH, at Immigration ‘wag puro Customs lang ang bantayan.

Ang DBM at ilang imbestigador ng DOF-RIPS at ilang imbestigador ng Ombudsman, mga taga  defense, ‘yung bilihan ng  aircraft at mga budget nakukuha ng mga ganid sa kapangyarihan at mga police na patong sa droga.

‘Yung isang alias Arnold na smuggler ng pekeng sigarilyo at alak!

Dapat ‘yong mga namedropper ay ipahuli ni Pres. Digong.

Iba si Digong, may ipinangako sa bayan at tutuparin niya ‘yan.

At sigurado na ang problema sa droga ang una diyan.

Ang mga illegal na sugalan at terminal. Humanda na ang mga pulis  na nagbebenta ng droga dahil may kalalagyan kayo ngayon.

Nakita n’yo naman na unang lilinisin niya ay ‘yun mga pulis-Maynila!

Kaya, be careful at may panahon pa para magbago kayo!

Dapat tulungan rin natin matupad ang kanyang mga pagbabagong gagawin at upang maging maayos ang samahan natin sa bansang ito.

God bless President Digong, nagsalita na ang bayan, magkaisa na rin tayo at magmahalan at magdasal para sa bayan at itayo ang bandila ng Filipinas.

God bless us all!

About Jimmy Salgado

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *