Thursday , April 25 2024
phone text cp

Panaginip mo, Interpret ko: Ibang textmate nahuli kay mr

Good evening po!

Jamailah po name ko. Ask ko lang po kung ano ibig sabihin ng panaginip ko, nanaginip po ko na pinuntahan ko po asawa ko sa trabaho tapos po sumakay sya sa motor nya na may dala syang bag inagaw ko po ung cp nya at may nakita po akong may katext syang iba? (09357071184)

To Jamailah,

Ang bungang-tulog ukol sa motorsiklo ay sumisimbolo sa hinahangad na kalayaan at ang paghahanap ng adventure sa buhay. Maaaring hinggil din ito sa pagnanasang makatakas sa ilang sitwasyon o responsibilidad sa buhay. Posible rin na nagsasabi ito ng ukol sa paglayo. Alternatively, para sa mga kabataan, ito ay simbolo rin ng raw sexuality, maaaring nagpapahayag ito na masyadong nagmamadaling maging matured at maranasan ang mga bagay na hindi pa napapanahon.

Kapag nakakita naman ng bag sa iyong panaginip, ito ay nagre-represent ng responsibilidad na dala-dala sa iyong buhay. Kung sira ang bag, may kinalaman ito sa mga pasanin sa buhay. Ang simbolong ito ay maaaring metaphor din para sa old bag na nagsasaad ng isang tao na matanda na. Kung ang bag sa panaginip mo ay pulos basura ang laman, ito ay sumisimbolo sa mga alalahanin at problema sa buhay na kailangang makahanap ng paraan upang maialis o maitapon ang mga basurang ito na nagiging pabigat sa buhay.

Ang cellphone naman sa panaginip ay nagsasaad ng pagiging receptive sa mga bagong impormasyon. Ito ay nagre-represent din ng mobility. Alternatively, ang ganitong panaginip ay nagpapakita ng lack of understanding. Maaaring nahihirapang makapasok sa isang nilalang, o nahihirapang arukin ang takbo ng kanyang kaisipan. (Itutuloy)

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, Left arm, Left shoulder

Pabalik-balik na frozen shoulder inabsuwelto ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Una, magandang …

init Lamig Hi Temp Cold Water

Malamig na tubig hindi ipinapayong inumin sa gitna ng matinding init

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, HANGGANG ngayon po …

Krystall Herbal Oil

Makating butlig sa anit, natuyot at gumaling  sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong          Magandang araw po sa inyong lahat.          Ako po …

Puregold GRFSB

Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists

MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking  pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *