Thursday , April 18 2024

Isang J.O.  isang boto saan ito?

DAHIL sa malapit na malapit na ang eleksiyon sa bansa, malapit na malapit na rin ang oras ng mga tiwaling politiko, upang sila’y maibulgar sa kanilang mga katarantaduhang pinaggagagawa, at gagawin pa lang, manalo lamang sa eleksyon.

Sadya nga bang kapit sa patalim sila, makuha lamang ang posisyong kanilang hinahangad? E, paano kung malapit na malapit din ang ating “Pipit” na malupit sa baul ng katotohanan? Aba’y malaking tulong ang “Pipit” sa pagsisiwalat ng mga kabalastugan! Tunay na malupit ‘igan! Mantakin n’yong mahalungkat ng “Pipit” na malupit ang sangkaterbang ‘job orders’ sa Manila City HELL ‘este’ HALL.

Ang tanong nasaan? Saan dinala o naka–posisyon ang sangkaterbang JOs?

Ayon sa “Pipit” na malupit, sa pag-iikot–ikot sa Manila City Hell ‘este’ Hall, aba’y natunton ang mga Departamentong halos hindi na makakilos sa dami ng empleyado sa loob ng opisina! Ano ba ito, parang palengke na! Nakapagtatrabaho pa ba nang maayos at tahimik ang mga empleyadong ‘yan?

Kung paano mailalarawan ang isang Palengke ay ganoon rin ang mga Departamento o opisina sa Manila City Hell ‘este’ Hall (bulong ng Pipit).

Nakapanayam pa ng “Pipit” sina Ma’am at sina Sir, ayon sa kanila…”Wala na po kaming masasabi pa sa nangyayaring ito sa Manila City Hell ‘este’ “Hall,” nakakaloka ha ha ha…mas marami pa po silang “Job Order Contracts” kaysa mga regular employees, o ‘di po ba?

Lipad ulit si “Pipit” na malupit sa katabing Departamento, ang chicka naman, “Ang sangkaterbang JOs po na ‘yan ay may iisang contract Period, from January 2016–June 2016… parang ‘pasok ka sa banga.’

Bago mag–eleksiyon, labas na sa banga pagkatapos ng rleksiyon.

Gets n’yo po? Gamitan lang po ‘yan! Kapit naman po sa patalim ang mga pobre nating mga Kababayan. Wala pong magawa sa hirap ng panahon. At wala po ‘yang iniwan sa isang JO… isang boto po kay Erap! Parang vote buying na rin po! Ha, aba’y teka, totoo po ba ‘yang tini-chicka n’yo sa akin? tanong ni Pipit.

Dagdag ni Pipit mga ‘igan, kukubra ang sangkaterbang JOs ng P6,000 bawat isa kada buwan, na kung isusuma–total ay pumapatak nang milyon-milyon buwan-buwan ang maipamumudmod sa mga pobreng Manilenyo na ang apperance lang umano ay tuwing pay day. Aba aba aba…kung may katotohanan ang isyung may vote buying nga sa Manila City Hell ‘este’ Hall, dapat pong mapaimbestigahan ang usaping “Isang JO, Isang Boto kay Erap…”

MERALCO magkanong dahilan

MATAGAL nang inire-request ng mga residente ng Brgy. 739 Zone 80 District V, Malate, Manila, ang pagsasaayos o pagpapataas ng kanilang metro ng  koryente dahil sa talamak na illegal connections sa kanilang lugar, na maaaring lumikha ng mga hindi inaasahang sakuna o aksidente, lalo na ang sunog.

Aba’y maging si Punong Barangay (PB) Rosalinda Caparas, sampu ng “Approved Barangay Resolution” ng mga Miyembro ng Sangguniang Barangay, mga ‘igan, ay may formal request na rin sa Branch Manager–Meralco, Malate Business Center, upang makiisa sa kanilang proyektong “elevated metering centers.”

Ngunit, magkanong dahilan at hindi maipagkaloob ng Meralco Malate Branch, ang kahilingan ng mga residente araw-araw may takot sa lagging pagsabog ng transformer dahil sa illegal connections at magkanong dahilan din at hindi maipatupad ang elevated metering centers na napakagandang proyekto ng Meralco para sa tao. Aba’y hindi uubra ‘yan kay Meralco Head Tutuban Branch Leonardo R. Delos Reyes, tinutuldukan agad niya ang mga katiwalian. Paging Meralco, aksiyonan po agad ito.

About Johnny Balani

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *