Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagkawala ng show ni Robin, pinanghihinayangan
Pagkawala ng show ni Robin, pinanghihinayangan

Pagkawala ng show ni Robin, pinanghihinayangan

NGAYONG nawala na ang game show ni Robin Padilla at saka naman marami ang nanghihinayang na nawala iyon. Ngayon nila na-realize na hindi lang pala entertaining ang show, kundi nakatutulong pa sa mga barangay na nadadalaw niyon. Eh kasi naman, bakit noong may show pa ay hindi nila pinanood. Natural hindi tumaas ang ratings at ano nga ba ang maaasahan mo kundi masisibak iyon.

Pero may palagay kami na ang panghihinayang ay hindi talaga dahil sa show kundi dahil sa gumandang image ni Robin. Hindi maikakaila na naging bukambibig na naman ang pangalan ni Robin matapos na tumulong at nagbigay ng bigas sa mga nagugutom na magsasaka sa Kidapawan. Lalo siyang napag-usapan nang mabanggit pa ni PAO Chief Persida Acosta na isa siya sa maraming mga artistang tumulong para mapiyansahan ang mga magsasakang ikinulong pa at kinasuhan ng assault, kabilang ang isang 78 taong gulang na babae. As if makaka-assault pa iyong matanda.

READ MORE:  Dinner nina Sarah at Matteo, wala raw romantic ambiance
READ MORE:  Aktres, ipinaba-ban ng tatay sakaling mamatay ito

Iyong ginawang pagtulong ni Robin, na mabilisan at sa tamang panahon ay hindi nakita ng mga kababayan natin sa kahit na sinong opisyal ng gobyerno, na ang iba ay sinisi pa ang nagugutom na mga magsasaka kung bakit nag-rally pa at pinagbintangan pang mga komunista. Isipin ninyo, maski nga raw si PNoy hindi alam na nagkamatayan na sa Kidapawan until after four days.

Wala naman sigurong ambisyong political si Robin sa ngayon. Pero talagang ginagawa lamang niyang tumulong. Maganda naman iyan para sa kanya, pero kailangan maging maingat na nga siya sa kanyang ginagawang ganyan. Natatandaan pa ba ninyo noong kamuntik na rin siyang ma-hostage ng Abu Sayyaf at pinayagan lang na umuwi noong magkapagbigay na siya ng bigas at mga de lata roon.

READ MORE:  Maria Isabel sa pagkuha raw ng interpreter ni Maxine — She has every right to do it

Minsan delikado din naman iyong sugod ka nang sugod, pero sa totoo lang gumanda ngayon ang image ni Robin dahil diyan.

HATAWAN – Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved