Friday , June 23 2017
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kagandahang loob ni Ate Vi, puring-puri ni Niña
Kagandahang loob ni Ate Vi, puring-puri ni Niña

Kagandahang loob ni Ate Vi, puring-puri ni Niña

PARA kay Niña Dolino, isang huwarang aktres si Vilma Santos na nakatrabaho niya sa Everything About Her bilang secretary ni Vilma.

“It was my first time to work with her and I was kind of blown away because she’s the nicest person. Isipin mo Vilma Santos ‘yon so parang intimidating,” chika sa amin ng aktres sa opening ng Nail Lounge, a salon located at unit 22, lower ground level of Cityland Condo (Mega Plaza), Ortigas Center.

“Actually, sila lang ni Angel Locsin ang magka-room pero since I brought my baby since I was breastfeeding, in-allow nila ako to share the room with her.

“Grabe, ano siya, gusto ko kapag tumagal ako sa industriya ay kagaya niya–very warm, very easy to work with.”

So, ano ang na-discover niya kay Ate Vi?

“As a person hindi siya intimidating. Nirerespeto siya ng mga tao dahil sa work niya at hindi dahil natatakot ang tao sa kanya. Sobrang bait niya na parang rerespetuhin mo talaga siya. Hindi siya mataray kaya parang rerespetuhin mo siya.”

UNCUT – Alex Brosas

COMMENTS

About Alex Brosas

Scroll To Top

Get Widget