Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Pacman wagi via unanimous decision (Bradley 2 beses bumagsak)
Pacman wagi via unanimous decision (Bradley 2 beses bumagsak)

Pacman wagi via unanimous decision (Bradley 2 beses bumagsak)

UMISKOR si Manny Pacquiao ng dalawang knockdowns upang kalusin si American rival Timothy Bradley kahapon, (Sabado ng gabi sa Amerika) sa MGM Grand sa Las Vegas.

Nangapa sa unang round si 37-year old Pacquiao at unti-unti nitong inilabas ang kanyang bilis at lakas sa mga sumunod na rounds.

Natikman ni Bradley ang kamao ni Eight-division boxing world champion, Pacquiao sa seventh round dahilan upang madapa ito, umugong na nadulas lang ang Amerikano pero ideneklarang knockdown iyon dahil kasabay noon ang tumamang suntok ni Pacman.  Iyon ay  base sa ruling ng Nevada.

Pero sa round nine malutong na pinadapo ni Pacquiao ang kamao nito sa mukha ni Bradley para sumirko sa sahig.

“Every round I was looking for a KO,” saad Pacquiao.

Iniskoran ng tatlong judges ang 116-110, lahat pabor kay Pacquiao.

Bago ang laban ni Pacquiao kay Bradley inanunsyo na huling laban na ito ng Pinoy pug, subalit hindi naman ito nalinawan sa interview pagkatapos ng laban.

“I want to go home to my family and serve the people,” wika ni Pacquiao. ( ARABELA PRINCESS DAWA )

COMMENTS

About Arabela Princess Dawa

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved