Tuesday , April 16 2024

Aside kay Kris, Sharon Cuneta at Boy Abunda bagay magsama sa isang talkshow

KAMAKAILAN lang ay muling nag-renew ng kanyang contract sa ABS-CBN si Kuya Boy Abunda. At sa bagong kontrata raw ni Kuya Boy, naka-stipulate na bukod sa kanyang mga regular show sa ABS-CBN-2 ANC at Cinema One ay may ibibigay na bagong programa sa kanya ang Kapamilya network at malakas ang bulung-bulungan na ang nasabing proyekto ay pagsasamahan ng “King of Talk” at nag-iisang megastar na si Sharon Cuneta.

Dahil pahinga raw muna ngayon si Kris Aquino, pagsasamahin sa panggabing talkshow sina Shawie at Kuya Boy lalo’t nakitaan ang dalawa ng chemistry nang mag-guest, few months ago si mega sa Tonight With Boy Abunda na solong iniho-host ni Abunda.

Well magka-level sa katalinuhan sina Sharon at Kris kaya perfect choice si mega para maging bagong co-host ni Kuya Boy.

Sa aming palagay ay maghi-hit ang show kaya sana matuloy talaga ito, gyud!

BATANG INTERNET SENSATION NA SI AURA AGAW EKSENA SA NUMBER ONE TELESERYE NA “FPJ’S ANG PROBINSYANO” AT TODO KILIG KAY COCO

Ngayong buwan, magse-seven months na sa ere ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin. Malaking factor kung bakit hanggang ngayon ay hindi talaga bumibitiw ang TV viewers sa action-drama series na napapanood gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida.

Aside sa hindi predictable ang kuwento nito ay lagi pang may bagong hatid na istorya sa kanilang avid viewers Ang Probinsyano, na mas lalong nagpapa-excite sa mga manonood.

Tulad ngayon matapos mamaalam nitong Miyerkoles ang karakter ni Bela Padilla bilang Carmen, na kinailangang barilin at patahimikin ni Tomas (Albert Martinez) daddy ng mister na si Joaquin (Arjo Atayde) dahil may alam na sa modus operandi ng namumuno sa sindikatong nandurukot ng mga bata at ibinebenta ang internal organs sa malaking halaga sa mayayamang naghahanap ng donor.

Ang pagkawala ni Carmen ay ikinalungkot nang labis ng kanyang co-stars at netizens pero isang bagong karakter naman ang ipinasok sa nangungunang teleserye sa primetime at siya ang batang internet sensation na si Makmak na McNiel Briguela sa tunay na buhay.

Nakilala si Makmak dahil sa kanyang nakalolokang series of ‘api videos’ at biggest break niya ang paglabas sa Ang Probinsyano na agad siyang kinaaliwan ng televiewers dahil sa mukha niyang uma-aura kahit na hindi belong sa alta-sociedad.

Kinagigiliwan siya sa kanyang natural na pag-arte lalo sa mga eksena nila ni Onyok at sa pagpapa-cute niya sa secret crush na si Cardo (Coco). Sa isang episode sa gitna ng maaksiyong eksena ni Cardo laban sa mga miyembro ng riding-in-tandem agaw-eksena si Makmak o Aura lalo na sa scene na inakbayan siya ni Cardo na kinilig talaga ang batang beki at kitang-kita sa kanyang facial expressions.

Sa lakas ng feedback ng karakter ni Makmak, mukhang magtatagal siya sa nasabing serye na patuloy na humahataw sa ratings game gabi-gabi. Last April 6 ay humamig ito ng 42.8% rating.

Tunay na number one gyud!

Habang kinakarma si Lucille…
KARA SUCCESSUL BILANG EVENT ORGANIZER, SARA PASADO SA SOSYAL NA UNIBERSIDAD

Dahil may restraining order nga laban at hindi puwedeng lumapit sa sino mang miyembro ng pamilya Suarez lalo na kay Kara (Julia Montes), ang bayarang si Apple naman ang patuloy na ginagamit ni Lucille (Carmina Vill aroel) para guluhin at sirain ang pamilya at mapaghiwalay ang mag-asawang Laura (Mylene Dizon) at Ishmael (Ariel Rivera).

Kinakarma na nga si Lucille na bagsak na ang construction business na kanilang ipinundar ng namayapang mister na si Antonio (Allen Dizon) pero ayaw pa rin talagang tumigil sa kanyang paghihiganti.

Magaling magdrama si Apple na buko na nga pero nalusutan pa rin ang muntik-muntikan nang pagkaka-aksidente ni Andy (Anjo Damiles) na may kinalaman siya.

Samantala kung tuloy-tuloy na ang pag-angat ng karera ni Kara bilang Event organizer ay pasado naman ang kambal na si Sara (ginagampan rin ni Julia) sa entrance exam sa isang sosyal na unibersidad at malaking tulong rito si Seb (Sam Milby) boyfriend ni Kara na nagtiyagang turuan siya.

Kung ano ang susunod na hakbang na gagawin nina Lucille at Apple para maka-eksena sa pamilya Suarez ay ‘yan ang pakatutokan ninyo sa toprating melodrama serye na “Doble Kara” na mapapanood tuwing hapon sa Kapamilya Gold.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Sparkle artists kinasabikan sa Calgary

COOL JOE!ni Joe Barrameda MALAKI ang agwat ng ratings ng pilot episode ng It’s Showtime sa GMA 7 over Eat …

Bong Revilla Jr PMPC

Sen Bong nakipag-bonding sa PMPC

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYANG nakipag-bonding noong Linggo, April 7, si Sen. Bong Revilla sa mga miyembro ng Philippine …

Pokwang Lee O’Brian Malia

Pokwang payag madalaw ng anak si Lee O’Brian sa Amerika

MA at PAni Rommel Placente SA exclusive interview nI Pokwang Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, April …

Sarah Lahbati Ruffa Gutierrez Annabelle Rama

Ruffa ipinagtanggol naglalabasang quote cards ni Annabelle fake

MA at PAni Rommel Placente MAY post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang mga naglabasang …

blind item

Boylet ni Showbiz Gay namamaga ang lalamunan, madalas ding may lagnat

HATAWANni Ed de Leon KUWIDAW ang isang showbiz gay, nalaman kasi niya na ang kanyang boylet …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *