Friday , March 29 2024
alden richards

Alden, ‘di totoong sa carinderia lang sa Canada nag-show

HINDI naman daw flop iyong naging concert tour ni Alden Richards sa Canada, sabi ng mga producer niyon na siya rin palang may-ari niyong Palabok House Restaurant sa Edmonton, Alberta.

Matapos sigurong makarating sa kanila iyong balita na nagsisisi  umano sila nang kunin nila si Alden, gumawa naman siya ng social media post na nagsasabing hindi totoo iyon.

Hindi lang pala isang show iyong Bae in the City. Mayroon pa pala sila sa Winnepeg at Vancouver bukod sa Edmonton. Ibig sabihin tatlong shows iyon. Inilagay naman daw iyon sa mga disenteng venue, hindi rin naman totoo iyong paninira na sinasabing si Alden ay nag-show lamang sa isang carinderia dahil ang pangalan nga ay Palabok House. Ipinakita sa amin pati na ang menu roon sa Palabok House, mukhang malaking restaurant naman iyon base sa kanilang menu at saka hindi naman doon ginawa ang show.

Isa pa, mura lang naman ang tickets. Ang pinakamahal ay 100 Canadian dollars lamang. Tapos may 78 dollars at iyong general admission nila ay 58 dollars lang. Hindi kamahalan ang ganyang halaga ng show sa Canada, at marami silang nakalistang outlets. More or less, kabisado nila ang gumawa ng isang show at palagay namin kumita naman sila.

Huwag naman ninyong ikompara ang concert ni Alden doon sa halimbawa ay concert ng Koreanong si Rain sa Madison Square Garden. Ibang klase naman iyon dahil talaga namang performer si Rain. Iyon lamang makapag-concert si Alden kahit na sa abroad, at iyon lamang kumita  ng ganoon ang CD niya, ok na iyon dahil hindi naman siya singer talaga. Cute lang.

Hindi naman tayo dapat maghanap ng kung ano-ano pa sa concert ni Alden. Salamat na nga lang nakakakanta siya kahit na paano. Hindi naman sinasabi ni Alden na talagang concert artist siya. At saka hindi concert iyon, show lang iyon.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *