Thursday , April 25 2024

Boobsie Wonderland, biggest break ang concert na Bata… Bata… Anyare?

00 Alam mo na NonieAYAW talagang paawat ang talented at masipag na comedienne na si Boobsie Wonderland. Matapos kasi ang matagumpay nilang concert sa Araneta Coliseum nina Gladys ‘Chuchay’ Guevarra, Ate Gay, at Papa Jack na pinamagatang Panahon Ng May Tama: ComiKilig, ngayon naman ay mapapanood si Boobsie sa kanyang solo concert na pinamagatang Bata… Bata… Anyare?

Ito’y gaganapin sa KIA Theater sa May 13, 2016. Aminado naman ang heavyweight na komedyante na may halong kaba siyang nararamdaman ngayon kaysa noong nag-Araneta sila.

“Medyo po… kasi nga mag-isa lang ako magpe-perform. Mag-isa din po akong manonood, ha-ha-ha-ha! Joke lang po,” pabirong saad niya.

“Sa totoo lang po, as in kabado kasi solo ko lang po ito. As in super paghahandaan ko po at dito ko na yata ilalabas ang mga naitatago kong piyesa sa pagpapatawa. As in, kailangan gumana ang utak ko at siyempre nandyan po si (Direk) Mamu Andrew de Real bilang gugamabay sa akin. Siya po ang direktor ko at malaking tulong po sa akin, kasi super galing po niya sa pagsulat at pagdirek.

“Gagalingan ko po itong sa KIA para may sumunod pa.hihihihi!”

Ang Bata… Bata… Anyare? ay produce ng CCA Entertainment Productions Corporation ni Joed Serrano.

Ano ang dapat asahan ng manonood nito?

“Siguro po sa tingin ko isa ito sa mga concert na hindi nila malilimutan.as in tatatak at paguusapan.kc baka mamura nila ako sa sakit ng panga nila at baka mabalisawsaw sila kakaihi….so pag hindi po nangyari un eh di hindi!!!! nyahahahahahhaha… basta po gagawin ko ang lahat para sa ikasasaya ng lahat lalo na po ng producer ko na si Titi Joed Serrano.thank you po!!!

Ikaw na ba ang favorite ngayon ni Joed?

Sagot ni Boobsie, “Hindi naman po siguro, lahat po yata kami ipo-produce nya.. Nauna lang po ako, hihihihihi! Sunod na nga po si Ate Gay, eh.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *