Wednesday , April 24 2024

That is not the house of Krista Ranillo! — Pacman’s manager

00 fact sheet reggeeNILINAW ni Arnold Vegafria, business manager ni Saranggani RepresentativeManuel Paquiao na pag-aari ni Jake Joson (Chief of Staff ng Pambansang Kamao) ang bahay na nakaparada ang SUV campaign car na may nakasulat at litrato ni Manny na kumakandidato bilang Senador.

Base sa ulat ni Nerissa Almo ng Pep.ph ay nakausap nito si Arnold para iklaro ang ipinost ng netizen sa kanyang Facebook account na umabot na sa mahigit na 800 shares.

Ayon kay Arnold, ”that is not the house of Krista Ranillo! That is the house of Jake. Ask the guards. The blue Ford car is also owned by Jake.”

Binalutan daw ng stickers ang nasabing SUV tatlong linggo na ang nakararaan.

Nag-trending kasi noong Martes sa social media ang ipinost ni Ms Lorraine Marie T. Badoy na taga-Loyola Grand Villas, Quezon City.

Ayon kay Ms Lorraine, ”guess what, I saw when I went on a run this morning in my village? Manny Pacquiao’s campaign car in front of his mistress’ house.

“(Jinkee, sa may bandang Soliven 3 corner Finland St. ‘Yung mansion doon. Go, girl.) Well, well, well…well, WELL. (…wellllllll) Mymymy. Sharona. Dun-dun-DAT-dun-DAT.

“It really is common knowledge who lives in that house on Soliven corner Finland: Manny pakyaw’s mistress.”

022616 Pacman car Krista Ranillo
Ang tinutukoy umano na mistress ni Manny ay ang dating aktres na si Krista Ranillo na naninirahan na ngayon sa Amerika kasama ang Fil-Am husband na siNino Lim, tatlong anak (2 lalaki at 1 babae) at ang magulang nitong sina Mat Ranillo III at  Lynda Tupaz kasama ang isa pang anak na babae.

Nabalita noong 2009 na binigyan daw ni Manny si Krista ng bahay at lupa sa nasabing subdibisyon pero itinanggi ito ng Pambansang Kamao.

Matatandaang naulat din na ang lupang kinatitirikan ng bahay na naka-park ang campaign car ni Manny ay bibilhin nina Krista at ex-boyfriend nitong direktor saGMA 7 na si Dominic Zapata pero hindi natuloy dahil naghiwalay na ang dalawa kahit na nakapag-down payment pa raw ang aktres.

Isinulat namin ito dahil ang pagkakaalam namin ay wala ng planong bumalik ng Pilipinas si Krista dahil masaya na ito sa piling ng asawang si Nino na childhood boyfriend pala niya na nagkabalikan at nagpakasal noong Agosto 2010 at simula noon ay hindi na umuwi ng Pilipinas ang dating aktres.

Kaya noong ipinost ito ng netizen na pag-aari ito ng mistress ni Manny ay naniniwala kaming hindi ito kay Krista.

Nakasama kasi namin si Krista kasama ang buong pamilya noong Disyembre 15, 2014 sa isang dinner invitation mula sa asawa nitong si Nino sa pamilya nina Art Atayde at Sylvia Sanchez kasama ang mga anak nilang sina Arjo at Ria sa Lawry’s The Prime Rib Restaurant Beverly Hills, CA 90211.

Pasimple naming tinanong noon si Krista kung babalik pa siya ng Pilipinas at umiling siya na kahit daw nami-miss niya ang showbiz ay hindi niya iiwanan ang pamilya niya at masaya na raw sila sa Amerika.

Maging ang daddy Mat ni Krista ay tinanong din namin kung babalik pa siya sa showbiz ay ngumiti ito at sinabing, ”masarap mag-alaga ng mga apo ko (na lagi niyang karga).”

Chief Executive Officer o CEO ang asawa ni Krista sa napakalaking Island Pacific Supermarket sa Los Angeles, California at planong mag-branch out sa ibang state base sa huling pag-uusap noong 2014 at may iba pa ring negosyo itong pag-aari.

Manager naman ang daddy Mat ni Krista sa nasabing negosyo ng asawa.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *