Tuesday , April 23 2024

Pag-I Love You ni James kay Nadine, ‘di scripted

BAGO nagtapos ang JaDine Love concert noong Sabado ng gabi sa Smart Araneta Coliseum ay may inanunsiyo si James Reid na ikinakilig ng lahat dahil habang nakatitig siya kay Nadine Lustre ay nagsabi siya ng, ”Nadine, I Love You.”

Hindi naman nagulat si Nadine dahil parang expected na niya ang sasabihin ni James at niyakap niya ng mahigpit at matagal ang binata.

Panay ang hiyawan ng mga taong nasa loob ng Big Dome at lahat ay kinikilig sa dalawa habang magkayakap na parang inaasahan na rin nilang magkakatuluyan ang dalawa.

Bilang manonood ay mixed emotions kami o nagtataka, trulili ba itong ginawa ni James o gimik lang para sa JaDine Love concert at sa nalalapit na pagtatapos ngOn The Wings of Love?

“It was not scripted. He (James) just asked that before the hydraulic goes down that he’ll be given a moment to say something to Nadine.

“We asked what he’s gonna say, ‘surprised daw.’  We know he’s gonna say something but he didn’t say what he’s gonna say,” kuwento ng taga-production ngJaDine Love.

NADINE, BINILHAN NG BASEBALL CAP SI JAMES SA ABROAD

Nabanggit din ng isa sa guest ng show na si Yassi Pressman na noong nag-out of the country daw sila ni Nadine ay binilhan daw nito si James ng dalawang baseball cap, sabi pa ng dalaga, ”ang masasabi ko lang ay tamang-tama ang pangalan ng concert na ‘to (JaDine Love).”

May ibinuking din si Vice Ganda sa JaDine na noong nagsu-shooting daw sila ngBeauty and The Bestie ay tapos na raw kunan si James pero hindi pa makaalis dahil wala siyang masakyan kaya si Nadine ay nagkakanda-ugaga sa pag-book ng Grab car para may masakyan ang aktor.

Katwiran ni Vice, ”’di ba ‘yung ganoon ginagawa mo lang kapag mahal na mahal mo ang isang tao?” sabay tingin kay James na natawa lang at hiyawan na naman ang Otwolistas.

MAG-ON NA SINCE FEBRUARY 11

Samantala, pagkatapos ng show ay nakausap sina James at Nadine sa backstage at inamin nilang mag-on na sila noon pang Pebrero 11.

Dagdag kuwento rin sa amin ng taong nakaaalam kung paano nagka-gustuhan sina James at Nadine, ”lately na lang naman ‘yun, si James kasi hindi ‘yan vocal sa feelings niya, akala nga namin wala talaga kasi si Nadine hoping, alam mo na girl madaling ma-develop.”

Kaya laging gulat daw ng lahat ng kasama sa cast ng Otwol nang mapansin nilang kakaiba na ang kilos nina James at Nadine at ang mga titigan nila.

Hmm, kaya pala sina direk Jojo Saguin at Antoinette Jadaone eh, tawa ng tawa noong tanungin sila sa presscon kung may napapansin sila sa JaDine off-camera.

Sa madaling salita, naging true to life ang kuwento ng On The Wings of Love?

JADINE FOR LOVE CONCERT, WALANG PRETENSION

Sa kabilang banda, nakatutuwa at nakakikilig ang JaDine Love concert nina James at Nadine dahil napaka-natural ng show, walang pretension, walang nagkamali (minimal lang) at ramdam mo ang love sa kanilang dalawa.

Sabi ko nga rin Ateng Maricris, ‘tong tanda kong ito, kinikilig ako sa dalawa.

All walks of life ang mga taong nanoood ng JaDine Love at pumuno sa Araneta Coliseum at wala ni isang taong nanood ang walang hawak na pailaw na kulay asul at pink kaya ang ganda-gandang tingnan kapag madilim.

Mabenta ang opening number nina James at Nadine na sing and dance sa awitingWe Found Love (Rihanna/Calvin Harris) at Forever kasama ang G-FORCE 2.

Ito ang isa sa pagkakaiba nina James at Nadine sa ibang love teams, pareho silang sing and dance bukod pa sa marunong ding umarte. Malaking bentahe na performer ang sikat na artista, bonus points ‘yun sa fans.

Tumugtog din ng piano si James ng awiting Marvin Gaye ni Charlie Puth at ang ganda at napaka-romantic ng dueto nila ni Nadine ng classic songs tulad ng Can We Stop and Talk A While/ Beautiful In My Eyes at It Might Be You in an acoustic arrangement na talagang hiyawan ang lahat kasi naman ang lapit ng mukha nila sa isa’t isa.

Panalo ang sayaw ni James na nag-ala Michael Jackson at ang ganda ng porma niya na habang papaakyat siya sa entablado hawak ang lumang mikropono na black and white ang backdraft at saka kinanta ang original song niyang Huwag Ka Nang Humirit kasama ang G-Force.

Sabay pasok naman ni Nadine na naka-Katy Perry ang peg pero ang kinanta ay awitin ni Britney Spears na Anticipating at ang awitin niyang Para-Paraankasama ang G-Force.

Magkakaibigan pala sina Yassi at Myrtle Sarrosa at dati palang cosplayer si Nadine at dito sila nagkakilala ng huli.

At si Yassi ay nakasama naman ni Nadine sa Viva at sa girl group nila noon.

Nakatutuwa dahil kahit sikat na si Nadine ay hindi nagbago ng pakikitungo kina Yassi at Myrtle. Katunayan ay naging shoulder to cry on pa siya ng huli nang ma-broken hearted kay Bryan Poe Llamanzares.

Anyway, sing and dance ang tatlong dalaga na mala-Spice Girls sa awiting Spice Up Your Live at Wannabe. At nag-ala Jennifer Lopez si Nadine sa awiting Get Right kasama ang G-Force.

Kinanta ni Nadine ang Kanlungan ni Noel Cabangon para sa lola niya na nag-alaga sa kanya at sobrang nami-miss na raw niya na hindi man lang nasaksihan ang mga nangyayari sa kanya ngayon.

Enter si James sa awiting Love Never Felt So Good (duet nina Justin Timberlakeat Michael Jackson) at Rock With You (Michael Jackson) kasama ang G-Force na talagang guwapong-guwapo kami dahil ang sexy sumayaw ng aktor kaya ang mga Otwolista walang tigil sa kasisigaw to the max.

Pagkatapos ng sing and dance ni James ay nag-OPM naman siya ng mga awiting adhana ng UDD; Buko ni Jireh Lim; Sugod ng Sandwich.

Ang ganda ng production number ni James na Justine Bieber medly tulad ng What Do You Mean, Love Yourself, at Sorry in acoustic version.

Nag-dance-showdown sina James at Elmo Magalona sa tugtuging New Thang,Dessert, Nae Nae, at Twerk It Like Miley na pinalakpakan din nang husto, pero siyempre mas maraming tumili kay Clark.

Nagsigawan nang pumasok si Vice Ganda at tawanan ang lahat dahil pinaglaruan ng TV host sina Elmo at James.

Halatang nanggigil si Vice kina James at Elmo pero pinipigilan niya ang sarili dahil nasa harapan niya ang mga bossing ng ABS-CBN na nakaupo sa harap ng stage, say nga ng TV host, ”bakit ba kasi nandirito pa ang mga ‘yan, hindi pa ba sila aalis o magba-banyo man lang.”

Ang ganda ng spot number ni Vice na Hello ni Adelle na rock version, wala pa ring makakakabog sa nag-iisang Unkabogable Phenomenal Star.

Napaka-romantic ng Lyrical dance medley nina James at Nadine sa inareglong tugtog ng musical director na si Rey Cantong ng Six Part Invention band.

Napaka-suwabe ng pagsayaw ng JaDine ng Stay With Me ni Sam Smith; All Of Me ni John Legend; at Love Me Like You Do ni Ellie Goulding.

Type namin ang version nina James at Nadine ng awiting  Ikaw ni Sharon Cuneta at Ikaw ni Yeng Constantino.

Ipinakita ang clips ng mga nakaraan episodes ng On The Wings of Love at kapansin-pansin ang pagbabago ng aura ni Nadine dahil halatang in love na sila ni James sa mga huling episode.

Kinanta naman ni Erik Santos ang isa sa soundtrack ng Otwol na Say You’ll Never Go at si Kyla para sa awiting On The Wings of Love at saka naglabasan ang cast ng On The Wings of Love bilang pagpupugay sa show at pagpapasalamat sa mga sumubaybay sa kanila sa loob ng pitong buwan.

At ang encore prod number ng JaDine ay ang awitin nilang No Erase na soundtrack ng Ang Diary ng Panget at ang Bahala Na soundtrack naman sa Talk Back and You’re Dead kasama ang G-Force.

Binabati namin ang Viva Concerts, ABS-CBN, at Dreamscape Entertainmentna siyang bumuo at nag-produce ng JaDine Love sa pamamahala naman ni Dido Camara, creative head; Rey Cantong, musical director at ang stage direktor na siPaul Basinillo na siya ring nagdidirehe ng mga show nina Enrigue Gil at Vice Ganda.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Ruru Madrid

Ruru Madrid tuloy-tuloy ang dating ng blessings

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG payat na binatilyo si Ruru Madrid nang pasukin ang mundo ng showbiz …

Blind Item, Men

Male starlet ‘sumisingaw’ na videos kasama ng mga customer na bading

ni Ed de Leon MAGANDA ang sideline ng isang male starlet. Tambay lang siya sa isang watering …

Kristine Hermosa Jericho Rosales

Kristine ‘di feel makatrabaho si Jericho

HATAWANni Ed de Leon BAKIT parang bantulot si Kristine Hermosa nang sabihin sa kanyang gusto siyang makasamang …

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

Daniel bumaba ang TF nang mahiwalay kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon NATATAWA kami noong isang araw sa isang blog, na nagsasabi kung …

Vilma Santos

Ate Vi karapat-dapat tanghaling National Artist

HATAWANni Ed de Leon HINDI naghahabol si VIlma Santos na matawag siyang National Artist. Katunayan,  sa tuwing sasabihin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *