Wednesday , April 24 2024

Aktres nilayuan ng mga kamag-anak!

Hahahahahaha! Nilayuan na pala ng mga kamag-anak ang aktres magmula nang makipagrelasyon siya sa kanyang allegedly ay good for nothing dirty loafer na boyfriend.

Supposedly, ang turing daw ng aktor sa kanyang girlfriend ay provider ng kanyang needs.

Nahalata naman daw kasi ng mga kamag-anak ng aktres na ginagamit lang ng aktor ang kamag-anak nila lalo na’t hindi pa rin tumitigil sa pakikipagrelasyon sa mga bading on the sly.

Hahahahahahahahahahaha!

Anyway, after years of togetherness, mukhang natauhan na rin ang aktres at nilayuan na niya ang kanyang boyfriend na may callboy mentality.

Surprisingly, ang kanyang perennial loveteam ang kanyang ipinalit. A decision that’s basically unexpected.

Anyway, sabi ng gurangski na si Bubonika, hindi naman daw totoong may relasyon ang dalawa. Paano naman daw kasing nangyari na isang umaga ay bigla na lang mai-in love ang dalawang taong matagal nang nagkakasama pero wala namang attraction na nangyayari.

Luka-luka! Love, sabi nga ng kanta, comes from the most unexpected places.

Puwedeng wala kayong nararamdamang attraction sa isa’t isa at tipong on a professional level lang ang inyong samahan pero bigla na lang kayong magigising na na-developed na pala ang inyong feelings.

‘Di ba naman?

Mas matindi pa nga ‘yung ganyang nade-develop dahil mas intense ang arrive.

Mas intense raw ang arrive, o! Hahahahahahahahahaha!

Palibhasa’y hindi ka naman nakararamdam ng love dahil napaglipasan ka na nang panahon.

Napaglipasan na raw ng panahon, o! Hahahahahahahahahaha!

‘Yun nah!

DEAR UGE INSTANT HIT SA TV VIEWERS

Very proud at tuwang-tuwa ang award-winning comedienne at TV host Eugene Domingo dahil naging instant hit sa Kapuso viewers ang Dear Uge, ang kauna-unang comedy anthology sa bansa.

Ayon sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM), datos nang mas kinikilalang ratings service provider na Nielsen TV Audience Measurement, nakapagtala ang pilot episode ng Dear Uge last Sunday (Pebrero 14) ng overnight household rating na 13.3 percent kompara sa 12.9 percent ng Banana Sundae at 11.5 percent ng Kapamilya Blockbusters.

“Thank you very much for watching & enjoying & for the trending of our pilot! Dear Uge promises to give you wonderful episodes every Sunday! Your overwhelming support is truly inspiring! You all deserve love, hope, joy, fun always!” masayang pahayag ni Eugene matapos makakuha ng positive reviews mula sa netizens.

Sa latest airing ng Dear Uge last Sunday, tampok ang Kapuso artists na sina Jaclyn Jose at Glaiza de Castro sa episode na pinamagatang “Kabit-Bahay.” Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Mark dela Cruz.

Ito ay kwento ng mga kabit na naninirahan sa iisang townhouse na binansagang “Second Ville.”  Si Cherry (Glaiza) ang queen bee ng community at kabit ng mayamang negosyante. Maganda, sexy at pinakabata si Cherry sa lahat ng kabit sa Cavite.

Ngunit nagulo ang lahat sa pagdating ng bagong kabit na si Menchu (Jaclyn). Kinamuhian ni Cherry si Menchu ngunit ito’y nagbago nang iligtas ni Menchu si Cherry sa isang choking incident.

Nasira ang pagkakaibigan nina Cherry at Menchu nang malaman nila na pareho sila ng jowa!

Tumawa, at ma-in love sa nakatatawa at nakakikilig na kuwento sa Dear Uge, every Sunday, 2pm pagkatapos ng Sunday Pinasaya sa GMA 7.

WALA NANG GINAWA KUNDI BIRAHIN NANG PATALIKOD SI ATE GUY

Dati, dyed in the wool Noranian itong si Bubonika.

Pero dahil pinaghintay raw siya ni Ms. Nora Aunor noong panahong medyo unprofessional pa, isinumpa na niya ang pagiging Noranian at kinana na nang pailalim ang multi-awarded actress.

Honestly, Ate Guy tried to reach out to the duplicitous radio and TV personality when she was still working for TV5.

But knowing Bubonic to be exceedingly money oriented, she was not moved one iota. Hahahahahahahahahahaha!

So, ‘yun na nga, kapag kulang siya ng column items, puro balitang Nora na may kudlit ang kanyang isinusulat.

Hindi marunong magpatawad ang chabokang gurang. Lagi na’y isinusulat niya nang paulit-ulit si Mama Guy sa kanyang columns.

Imagine, pati ang paglalakad ni Mama Guy ng kanyang mga lupain sa Bicol ay isinusulat pa niya nang may halong pagkutya at pang-iinsulto?

Kesyo wala raw ka-PR-PR si Ate Guy at ni hindi na naaalala ang mga kamag-anak niya sa Bicol.

Anyway, kahit na ano pang puna at bira ang gawin ng bungalyang manunulat ay hindi naman apektado ang superstar.

Truth to tell, top-rating pa rin ang kanyang soap sa GMA na Little Nanay at never na lumaylay kahit panay ang bira sa aktres ni Bubogski. Hahahahahahahahahahahaha!

Ma’nong manahimik ka na nga Bubogski. No one believes in the lies that you repeatedly would write about the superstar.

Ang asikasohin mo, ang naghihingalo mong radio and TV-hosting career.

‘Yun lang!

ANG ASSET NI MARK NEUMANN

Seeing the controversial TV5 star up close and personal, we get to realize why the gays would love to look at his face intently.

Nakita na rin namin siya noon pero hindi up-close na tulad nitong nakaraang event na dinaluhan namin.

Nakakainis at napaka-flawless palang talaga ni Mark Neumann habang pinagmamasdan siya, lalong nagiging kaibig-ibig ang kanyang hitsura.

Malaking asset talaga niya ang kanyang pinkish na skin tone na porselanang-porselanang tunay.

Sa true, kahit na ang makinis na kutis ni Alden Richards ay sapaw na sapaw niya.

Sa totoo lang!

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *