Friday , March 29 2024

Pretty owner ng online flower business na ineskandalo ni Jessa Zaragosa, patuloy na dinaragsa ng celebrity & politician customers

MULA sa ikinabubuhay nilang egg business sa Pateros Manila dahil sa pag-usbong ng career sa OctoArts ay umasenso ang buhay ni Jessa Zaragosa.

Kaya’t can afford na ang medyo has been Diva na bumili ng expensive na bagay tulad ng inorder nitong Ecuadorian roses sa isang popular na online flower business ng daughter ng  bossing-friend naming businessman-publisher-columnist at radio comentator since early 2000.

Ang hindi lang maganda sa ugali ng singer ay pagtataray niya nang wala sa lugar at laging siya ang tama. Nang tawagan niya at kausapin ang magandang owner ng nasabing online shop ay kanya itong pinagtatalakan.

Dahil ito sa blankong card (hindi niya ini-request na lagyan ng valentine message) na nakalagay sa kinuhang sosyal na bulaklak na regalo niya sa daughter nila ni Dingdong Avanzado na si Jayda. Ma-buti na lang dahil may breeding at pinalaking maayos ng kanyang mga magulang ay hindi na siya pinatulan ng sumisikat na young businesswoman at the same time commercial model ng isang kilalang brand ng beauty products. Saka hindi naman siya kawalan sa negosyo dahil ma-dalas ay sold out ang Ecuadorian roses sa dami ng mga kliyenteng celebrities at politicians. Last Valentine’s Day nga, bawat order ng Ecuadorian roses na imported from Africa, Holland at Columbia ay may give away silang special French maca-roons. Ang example ng Ecuadorian roses ay ‘yung ibinigay ni Alden Richards kay Maine Mendoza sa SRO Tamang Panahon event ng Eat Bulaga sa Philippine Arena. Sa nasabing online shop iyon inorder ng mga namamahala sa career ng na-sabing phenomenal love team.

Nagpapaka-cheap itong si Jessa gyud!

BALIK TAMBALAN NINA DERRICK AT BEA SA “HANGGANG SA MULING PAGKIKITA,” SI LAURICE GUILLEN ANG DIRECTOR

Although hindi siya napapabayaan ng kanyang mother network, pero panahon na siguro para mag-shine nang husto ang career ng alaga ni Manny Valester na si Derrick Monasterio sa GMA7.

At this year, mukhang matutupad na, upang maging kahanay si Derrick ng mga important actor ng Kapuso network na majority ay nasa primetime ang mga show o teleserye. Maganda kasi ang next project ng guwapo at matangkad na young singer-actor na bibida ang balik-tambalan nila ni Bea Binene sa “Hanggang Sa Muling Pagkikita.”

At ‘yan ay ididirek lang naman ng ating award winning actress and director na si Ms. Laurice Guillen. Pareho silangng excited ni Bea sa latest teleserye nilang ito dahil pakiramdam nila ay mas aangat pang pareho ang kanilang acting talents & skills sa director nilang si Ms. Guillen.Sey ni Derrick sa interview sa kanya sa set ng Hanggang Sa Muling Pagkikita — masaya sila ni Bea at thankful kay Direk Laurice dahil sa pagiging motherly sa kanila. Pinababayaan lang sila sa kanilang mga atake sa bawat eksena at pinakikialaman lang kung dapat nang makialam.

Isa pang ikinata-touched nila kay Direk Laurice, concern sa kanilang mga anggulo. ‘Yung career naman ni Derrick, bukod sa pagiging actor ay mabenta rin siya sa mga out-of-town shows at endorsement. Controversial rin ngayon ang aktor dahil sa isyung nag-date sila ni Maine Mendoza noong Valentine’s Day sa Subic at binibisita pa raw umano si Maine sa bahay ng dalaga sa Bulacan.

Kapatid na Manny, true ba ang balita gyud!

MULING PAGKIKITA NINA NIDORA AT ANSELMO SA ALDUB KALYESERYE SA EAT BULAGA KINAALIWAN AT CUTE ANG DATING SA TELEVIEWERS

Nasa 70s na si Edong o Eddie Gutierrez, ni Tita Annabelle Rama. Pero. aba puwede pa pa lang magpakilig ang beteranong aktor na may boses din sa muling pagkikita nila kahapon sa ALDUB kalyeserye sa Eat Bulaga ni Lola Nidora (Wally Bayola). Pagkalipas ng mahabang taon, ‘yung ginampanan ni Alden Richards bilang Anselmo sa pagtanda ay si Tito Eddie na ang gumaganap sa nasabing role. Para sa mga Dabarkads, cute ang dating ng sumpaan nina Nidora at Anselmo na kahit nagpaalam na ang huli na babalik na sa Amerika dahil nandoon ang kanyang pamilya ay nangako pa rin sa bagong simula nila ng unang inibig na si Nidora.

Nag-hit ang throwback love story ng dalawa sa kalyeserye na si Maine (Yaya Dub) ang nag-portray ng karakter ni Lola Nidora at si Paolo Ballesteros ang pumapel na estriktong Mama sa pangtanghaling serye. Maging si Bisaya (Tita Annabelle) ay nag-enjoy raw noong Sabado habang pinapanood ang mister na si Eduardo na kayakap si Nidora at fan na raw siya ng nasabing love team.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *