Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Sports5 mas dagsa ang events ngayong 2016 — Hizon

Sports5 mas dagsa ang events ngayong 2016 — Hizon

SINIGURADO ng pinuno ng Sports5 na si Patricia Bermudez-Hizon na magiging mas maganda ang mga sports coverages ng TV5 at Aksyon TV Channel 41 ngayong taong ito.

Sa panayam ng Radyo Singko noong Linggo, sinabi ni Gng. Hizon na mapapanood ang Rio Olympics ngayong Agosto sa dalawang nabanggit na istasyon.

READ MORE:  Tatlong carry over inaabangan; Ang kabayong one cup

“We also have Olympic coverages on Hyper so we’re calling on all sports fans to subscribe to Cignal where Hyper is shown,” wika ng asawa ng dating PBA player na si Vince Hizon. “We will also put up two community channels on Hyper which will show the Olympics 24/7.”

READ MORE:  Mayweather tinanggalan ng titulong napanalunan kay Pacman

Bukod sa Rio Olympics, napapanood din sa TV5 ang mga laro ng PBA at Ultimate Fighting Championships (UFC) na dating napanood sa ABS-CBN.

Idinagdag ni Gng. Hizon na mapapanood din sa TV5 ang mga laro ng Philippine Superliga Invitational Cup simula sa Huwebes kung saan magpapakitang-gilas ang mga manlalaro ng volleyball tulad nina Rachel Anne Daquis, Cha Cruz, Stephanie Mercado at marami pang iba.

READ MORE:  Dapat maging “Highhorn” si “Lowhorn”

( James Ty III )

COMMENTS

About James Ty III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved