Saturday , April 29 2017
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Paglabas-labas at pagbili ng bahay, dahilan ng hiwalayang Luis at Angel

Paglabas-labas at pagbili ng bahay, dahilan ng hiwalayang Luis at Angel

NAG-OUT na si Luis Manzano bilang isa sa follower ni Angel Locsin sa Instagram account ng aktres at na-check namin mismo noong Biyernes ng gabi.

Kung hindi pa kami tinawagan ng aming source ay hindi namin malalamang ang post ni Angel tungkol sa ex-boyfriend niya.

Say ng aming source,”nabasa mo na ba IG post ni Angel, binanggit niyang ‘ex’ niya si Luis, so kinompirma na niyang hiwalay na talaga sila?

“Kasi naman hindi pa kaagad sinabing hiwalay na sila, bakit idinenay pa niya kay Boy Abunda na ‘hindi pa.’ Noong time na pumutok na wala na sila, that’s it. ‘yun na ‘yun!”

Binuksan namin ang IG ni @therealangellocsin na may 1.7M followers at may naka-post na kumakanta si Luis habang binabasa ang lyrics sa cellphone at nakaupo sa couch, pero naputol yata kasi sabi ng TV host/actor, “ha, ha, nabitin.”

Ang caption ni Angel, “on the eve of my neck procedure, I saw my ex singing, “love yourself”. Kung nag mahal na kayo ng taong paulit-ulit kang sinaktan. Pls. like this. #mabuhayangtangasappagibig.”

At binasa namin ang mga komento at may nagsabing tsinek nila na in-unfollow na ni Luis ang dalaga.

Hirit naman ng supporter, “Gel, don’t worry dito lang kami.”

Maraming baong kuwento ang aming source, “ang dami palang reasons kaya sila naghiwalay, patong-patong na, so hindi na nagkasundo.”

Siyempre, tinanong namin, “recently lang din nakuwento, pinag-awayan nila ng matindi rin ‘yung paglabas-labas ni Angel with some friends na I’m not sure kung kasundo ni Luis sila o hindi.

“Mahilig pa rin kasing lumabas si Angel kasama ‘yung ibang friends na related din sa showbiz,” sabi sa amin.

Napakunot ang noo namin dahil iba ang pagkakakilala namin kay Angel dahil ang alam namin ay homebody siya at kung lalabas ay minsan lang. Mas gusto nga nitong titigan ang apat na sulok ng bahay nila o kaya maglaro ng games sa computer o matutulog na lang.

Tsinek ulit namin ang IG posts ni Angel at nakita naming posts niya ay 5 days ago na kasama ang kaibigan niyang bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda na nagdiwang ng 40th birthday kasama ang asawang si Neri Naig at ibang mga kaibigan sa Club Balai Isabel Hotel, Batangas.

At wala si Luis sa event kaya tinanong si Angel ng follower niya na si @jasmantilla ”why Luis hes not there with you?”

Kung 5 days ago ‘yun, hindi talaga kasama ni Luis si Angel dahil break na nga sila.

Heto pa, “hindi pabor si Luis sa binibiling bahay ni Angel somewhere in Taguig (McKinley Hills) kasi katwiran ni Luis, para saan pa, eh, may bahay na sila pareho. ‘Di ba may bahay si Angel sa Commonwealth?”

Oo, meron na nga, pero ang alam ko ay ibibigay ni Angel ang bahay sa daddy niya at mga kapatid na kasalukuyang nakatira roon.

Medyo malaki ang pamilya ni Angel at sa katunayan ay nabili na rin nito ang katabing lupa ng bahay niya para i-extend ang bahay kasama na ang swimming pool.

Oo nga, palaisipan din sa amin bakit kailangan pang bumili ni Angel ng isa pang bahay kung puwede pa rin naman siyang tumira sa Commonwealth hangga’t hindi pa siya nag-aasawa?

Once na ikinasal na sila ni Luis ay ang aktor naman ang magpo-provide ng bahay para sa kanya, so bakit kailangan nga ng dalawang bahay?

Baka naman investment ito dahil mataas ang market value sa Taguig City ngayon.

Samantala, successful ang 2nd procedure kay Angel na ginanap noong Sabado ng umaga at bandang 12 noon ay inilabas na siya ng operating room na ginawa sa Mount Elizabeth Hospital, Singapore na pinuntahan siya mismo ng mga kaibigan niyang taga-Kapamilya.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top

Get Widget