Wednesday , April 24 2024

Malou Santos, pinangalanang COO ng Star Creatives

INANUNSIYO ng ABS-CBN Corporation ang pagtatalaga kay Malou Santos bilang chief operating officer (COO) ng Star Creatives simula Pebrero 15, 2016.

Bilang COO ng Star Creatives, patuloy na pamamahalaan ni Malou ang paggawa ng mga de-kalibreng pelikula, primetime teleserye, at multi-platform na Pinoy music. Patuloy din niyang palalakasin ang Star Music sa pamamagitan ng live events production, radio programming, at artist development and management.

Sa ilalim ng pamumuno ni Malou, naging pinakamatagumpay na film studio sa bansa ang Star Cinema na handog ang de-kalidad na pelikulang patok sa panlasang Pinoy. Tumabo rin sa takilya ang mga pelikula ng Star Cinema, patunay ang 10 highest-grossing Filipino movies of all time na naprodus nito, kabilang na ang “Beauty and the Bestie,” ang highest-grossing na Filipino film sa kasaysayan, pati na ang “A Second Chance,” ang highest-grossing non-Metro Manila Film Festival local film sa kasaysayan. Pinalawak din ng Star Cinema ang pagpapalabas nito ng mga pelikula para maabot at mapanood ng mga Pilipino hindi lang sa bansa kundi pati na sa buong mundo ang mga pelikula nito.

Si Malou rin ang nasa likod ng tagumpay ng “Maalaala Mo Kaya” at iba pang world-class na primetime dramas gaya ng “Pangako Sa ’Yo,” “Forevermore,” “The Legal Wife,” “Princess and I,” “Lobo,” “Magkaribal,” “Maging Sino Ka Man,” at “Imortal.”

Noong 2013, pinangaralan si Malou ng Communication Excellence in Organizations (CEO Excel) Award mula sa International Association of Business Communicators (IABC) Philippines para sa kanyang epektibong paggamit ng komunikasyon sa kanyang pamamahala para matupad ang misyon ng Star Cinema na magbahagi ng mga kwentong nagbibigay inspirasyon at pag-asa sa mga Pilipino.

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *