Tuesday , March 19 2024

Arci, the next big star ng Star Cinema

SAYA-SAYAHAN ang peg ng presscon ng Always Be My Maybe na ginanap sa Dolphy Theater noong Biyernes ng gabi dahil walang mabigat na isyung kailangang sagutin o i-deny kaya hindi seryoso ang naging takbo ng usapan, pero nakaaaliw.

Tawang-tawa kami nang ikuwento ni Arci Munoz na naloka siya noong tanungin siya ni Direk Dan Villegas kung gusto niyang maging part ng pelikula dahil binalikan niya ng tanong din ang direktor.

“Noong pini-pitch nila ako for the movie, sabi ko nga (direk Dan), sigurado po ba kayo? Ako po ba talaga?  Sabi nga ni direk, ‘ano gusto mo ba?’

“Kaya ang sagot ko sa kanya (direk Dan), ‘kayo po, gusto n’yo po ba ako? Sigurado po ba kayo?’ Kasi hindi talaga ako makapaniwala, shocks din talaga, ang bilis niyon kaagad tapos ilang araw lang nag-look test na kaagad kami at doon ko nakita na sobrang kalmado niya, chill lang siya.

“So it’s a dream come true, I’m thankful, I’m grateful, and I don’t know how to thank you (direk Dan) enough, ‘di ba kasi para sa amin, itong generation na ito, so para makatrabaho ‘yung ka-generation, ha, ha, ha, makaka-relate talaga, very exciting, very excited ako. Kaya ngayong patapos na kami, we just can’t wait to show you guys what we work hard for the past fewmonths,” masayang kuwento ni Arci.

At dahil ‘Maybe’ ang titulo ng pelikula ay ganito rin ba ang paniniwala ni Arci sa love.?

“For me, hindi ‘maybe’ in my case (kasi may boyfriend siya), I don’t think so.

“For me kasi, if love is a maybe, it’s not really love, it’s just infatuation. Because if it’s love, ‘di ba, you are certain, dapat sigurado ka (sabay paling kay Gerald Anderson).

“Kung makikipag-relasyon ka dapat makikipag-commit ka buong-buo mo ibibigay ‘yun, ‘di ba? Hindi ‘yan installment, ‘di ba?  Ang love deep ‘yan, very strong word, ha, ha, ha. So iyon nga po, ‘pag in love ka, there’s never a Maybe!” paliwanag ni Arci.

UMINOM MUNA NG GIN BAGO GAWIN ANG ISANG EKSENA

Type rin ni Arci ang estilo ni Direk Dan bago sila magsimula ng shooting dahil tinatanong daw sila nito.

“Kunwari nasa script din, sa tingin mo ba gagawin mo ito sa totoong buhay?’ sagot ko, ‘hindi, ah, bakit ko gagawin ‘yan!’

“So, may inputs din kaming naibibigay, kasi ang gusto ni direk, magmukha siyang makatotohanan, like ganito, nag-uusap lang tayo, ganyan, walang arte, kaya everytime na may sinu-shoot kami, huwag muna kayong umarte, shot muna kayo, ha, ha, ha,” tawa ng tawang kuwento pa ng dalaga.

Nagulat si Gerald sa sinabing ‘shot muna’ dahil hindi raw alam ng aktor na aamin si Arci.

“Isang beses lang ‘yun para maging mukhang totoo, kasi bar talaga ‘yung eksena,” pagtatanggol ng dalaga sa sarili.

Biro naman ni Gerald, “hala, at gusto pa niya ng Tequilla.”

Pero nilinaw ni Arci, “gin kaya ininom ko, Ginebra, hayun may bote pa po, technique lang at once lang po nangyari. At saka natural siguro talaga ‘yung gusto ni direk (Dan) na atake namin sa eksena.”

Si Arci kasi ang 2016 Calendar Girl ng nasabing inuming panlalaki.

Nabanggit din ng mga bida na dapat open ang komunikasyon nilang mga artista sa direktor at writers ng pelikula para raw magaan ang takbo ng shooting nila.

“Dapat talaga mayroon kayong good communications, hindi lang sa artista kundi sa writers din at cooperation and as a team talaga kapag kumilos kayo para maganda ‘yung kalalabasan at hindi lang ‘yung opinion namin ang tinatanong kundi lahat ng tao (set) ay tinatanong din ni direk kaya sigurado lahat makaka-relate rito.”

Pang-anim na pelikula ni Arci ang Always Be My Maybe bida na kaagad siya.

Kaya sa tanong kung hindi ba takot si Arci, “well, more than anything, I’m so excited kasi I know that I worked hard for this and it’s not just a 24 hour success for me, ‘di ba?

“I’m here (showbiz) for almost 9 years, since I started. I transferred to different networks and finally ABS-CBN gave me this opportunity, this big chance to showcase my talent so para sa akin, I’m excited na show them that, you know I’m worth the wait, ha, ha, ha.

“Parang lovelife rin ‘yan ‘di ba?  So I’m really thankful that I’m grateful, I don’t know how to thanked them enough sina Ms Malou sa napakaganda at napakalaking opportunity na ito kasi we all know that we’ve been working so hard for this project, pero nasabi ko nga, all the hardwork, we convert it to prayer, basta kami, gagawin lang namin ‘yung trabaho namin kasi mahal namin ito, not for anything else and also to entertain and to make people happy.

“So kami, at the end of the day alam ko were satisfied, were happy sa trabaho na ginawa namin now for the audience to appreciate and for sure, ma-appreciate nila ito.”

Sa sinabi raw ng Star Cinema na ‘next big star.’

“Wow, I’m more excited po right now sa napakagandang blessings na dumarating sa akin now.  At kung masabi nila ‘yan sa akin, hindi ko na po alam kung paano sila pasasalamatan, ‘yun lang po,” tila nangingilid ang luhang sabi ng dalaga.

Sabi pa, “pana-panahon lang po talaga.”

Anong imahe ba ang gusto ni Arci?

“I don’t wanna be labeled, gusto ko po talagang magawa lang ‘yung anumang character or role na ibibigay sa akin ng maayos at maganda, I’ll be very happy and dito sa role.

“I’m so overwhelmed with so much blessing kasi magtatapos ang ‘Pasion (de Amor)’ on the 26th (February) at ipalalabas ito on the 24th(February),” pahayag ng aktres.

NAPANGANGA SA KATAWAN NI GE

Ano naman ang napansin ni Arci kay Gerald?

“He’s so gentleman, super gentleman and I’m not wondering why girls talaga fall for him, he’s a gentleman (talaga), sinasabotage niya ako, lagi niya akong pinapakain kapag may mga love scene kami,” tumatawang kuwento ni Arci.

At inamin ni Arci na ‘nganga’ siya sa love scenes nila ni Gerald noong magtanggal daw ng takip ang aktor.

Mapapanood na ang Always Be My Maybe sa Pebrero 24 nationwide na pagbibidahan nina Gerald, Arci, Kakai Bautista, Aahron Villena, at Jane Oneiza handog ng Star Cinema na isinulat naman nina Jancy E. Nicolas, Patrick R. Valencia, atPertee Brinas at idinirehe ni Dan Villegas.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Nadine Lustre Pia Wurtzbach

Nadine bumida sa Bulgari Studio Event

MATABILni John Fontanilla AGAW-EKSENA si Nadine Lustre nang dumalo sa Bulgari Studio Event na ginanap sa Seoul South Korea …

blind item

Male sexy star sustentado ng showbiz netizen

ni Ed de Leon MAY tsismis na nagkita raw muli ang isang dating male sexy star at …

Heart Evangelista Chiz Escudero

Heart muling dinamdam ‘di natuloy na ‘pagbubuntis’

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ni Heart Evangelista na talagang sumama ang kanyang loob nang hindi magbunga …

Andres Muhlach Atasha Muhlach Juliana Gomez

Atasha, Andres, Juliana umaarangkada ang mga career

HATAWANni Ed de Leon UMAARANGKADA ngayon ang anak ng mga artista. Iyong kambal ni Aga Muhlach na …

Brandon Melo Take Me To Banaue Maureen Wroblewitz Thea Tolentino

American actor Brandon Melo nagtatalon nang makita ang Banaue 

RATED Rni Rommel Gonzales TUWANG-TUWA ang American actor na si Brandon Melo sa pagkakataong ibinigay sa kanya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *