Friday , April 19 2024

AMA vs Tanduay

LLAMADO kapwa ang Cafe France at Tanduay Light laban sa magkahiwakay na kalaban sa pagpapatuloy ng  2016 PBA D-League Aspirants Cup mamayang hapon sa The Arena sa San Juan.

Makakasagupa ng Bakers ang Wang’s Basketball sa ganap na 2 pm. Susundan ito ng duwelo ng Rhum Masters at AMA University sa ganap na 4 pm.

Ang Cafe France, na nagkampeon sa nakaraang Founder’s Cup ay galing sa masikip na 90-87 panalo kontra sa Caida Tiles at nasa itaas ng standing sa record na 4-0. Ang Rhummasters naman ay nakabawi sa pagkatalo sa unang dalawang laro sa pamamagitan ng pagposte ng magkasunod na tagumpay kontra Mindanao Aguilas (95-56) at Wang’s Basketball (90-75).

Kontra Tile Masters ay naiwanan ang Bakers ng 16 puntos, 40-57 sa halftime.

Nakahabol ang Cafe France sa pagtutulungan nina Gryan Cruz at Paul Zamar sa third quarter at nagtabla ang score, 67-all.

Si Cruz ay nagtala ng 26 ountos samnbatalang gumawa ng 25 si Zamar atnagdagdag  ng 18 anfg sentrong si Rodrigue Ebondo.

Ang iba pang inaasahan ni coach Edgar Macaraya ay sina Samboy de Leibm Mar Villahermosa at Jamison Cortes.

Ang Wang’s Basketball ni coach Pablo Lucas ay may isang panalo sa apat na laro.

Ang koponam ay pinamumunuan nina Jonathan Banal, Rey Publico,  John Allen Montemayor, Mark Anthony Acosta, Gwyne Capacio,  at ex-pro Brian Ilad.

Unti-unti ay lumalabas ang buti ng mga bagong recruits ni Tanduay Light coach Lawrence Chongson tulad nina Ryusei Koga, Joseph Eriobu Jr. Adrian Santos, Jeffrey Javillonar, Alfonso Gotladera, Von Rolfe Pessumal at Reden Celda.

( SABRINA PASCUA )

About Sabrina Pascua

Check Also

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Smart Asian Volleyball Confederation Nuvali

Asia’s beach volleyball squads maglalaban sa Smart AVC Beach Tour Nuvali Open

ELITE action returns sa world-class Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa at ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *