Saturday , April 20 2024

ASEAN Open Skies protocols welcome sa CEB

WELCOME sa Philippine leading carrier na Cebu Pacific (PSE: CEB),ang ratipikasyon ng Philippine government sa ASEAN Open Skies agreement.

Sa kasunduang ito, pahihintulutan ang designated carriers ng ASEAN countries na makapag-operate ng unlimited flights sa pagitan ng capitals, na hahantong sa mas mainam na ‘connectivity’ at higit na competitive fares and services.

Ang CEB ay kasalukuyang nag-aalok nang higit na bilang ng flights at destinasyon sa ASEAN mula sa Filipinas. Ang airline ay lumilipad sa 11 destinations sa pitong ASEAN countries, kabilang ang Brunei Darussalam, Cambodia (Siem Reap), Indonesia (Bali at Jakarta), Malaysia (Kuala Lumpur at Kota Kinabalu), Singapore, Thailand (Bangkok at Phuket), at sa Vietnam (Hanoi at Saigon).

Sa pamamagitan ng CEB’s interline agreement sa Tigerair Singapore, ang CEB ay nag-aalok din ng flights patungo sa Myanmar (Yangon), via Singapore.

Sa Open Skies, ang CEB ay maaaring makapagdagdag ng flights patungo at mula sa key destinations sa ASEAN, para matugunan ang lumalaking travel demand sa loob ng rehiyon.

Ang mga pasahero mula sa international destinations ay maaari rin samantalahin ang lowest year-round fares at widest domestic network ng CEB, upang madaling makakonekta sa alin mang sikat na isla sa Filipinas.

“We commend the DOTC, DFA, DOT, CAB and other relevant agencies for supporting the ratification of this agreement. The Philippine aviation industry has reached a milestone that will ultimately benefit the travelling public, as we open our airspace to vast travel opportunities and operational efficiencies between and among ASEAN carriers,” pahayag ni Atty. JR Mantaring, CEB Vice President for Corporate Affairs.

Alinsunod sa regulatory approvals, ang kasunduan ay magpapahintulot sa carriers na i-upgrade ang kanilang ASEAN flights sa wide-bodied aircraft at mapataas ang kapasidad nang hindi na kakailanganin ang ‘air talks.’

Sa streamlined process na ito ay makapagtutuon ang CEB sa pagpapalawak ng kanilang operasyon, at mapagbubuti ang kanilang customer experience at hindi na gagamit pa ng valuable resources para makipagnegosasyon para sa karagdagang air rights.

“Given our government’s support of this liberalized and equitable air services agreement, the Philippines solidifies its position as a prime and competitive global hub for air travel.  Cebu Pacific looks forward to contributing to this evolution, and enabling more Filipinos to fly across ASEAN, and across the globe,” dagdag ni Atty. Mantaring.

Ang CEB ay nag-aalok ng flights sa network nang mahigit 90 routes sa 64 destinations, spanning Asia, Australia, at Middle East. Ito ay nakatakdang maglunsad ng direct flights sa pagitan ng Manila at Guam, ang una nitong US destination ay noong Marso 15, 2016.

Para sa bookings and inquiries, maaaring bisitahin angwww.cebupacificair.comor call (+632)7020-888 or (+6332)230-8888. Ang latest seat sales ay matatagpuan sa CEB’s official Facebook atTwitter pages. Ang guests ay maaari ring mag-download ng Cebu Pacific official mobile app sa App Store and Google Play.

About Hataw News Team

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *