Wednesday , April 24 2024

Sino si Dudu Unay sa buhay ni Alden?

110515 alden
TALAGA palang bin-lock ni Alden Richards sa kanyang sa social media account ang guy na nagdala sa kanya sa GMA-7.

The guy, Dudu Unay, was surprised kung paano namin nalaman ang pangde-deadma sa kanya ni Alden.

We learned later na ang una palang discoverer ni Alden ay si Gilbert Belan, isang director ng male pageants sa Laguna. Gilbert has an assistant named Carlites de Guzman. Later on ay napunta kay Carlites si Alden, bagay na pinag-awayan ng dalawa.

Before he turned 18 ay nagsabi raw itong si Alden kay Carlites na pasikatin na siya nito. Ang ginawa naman ni Carlites ay kinausap si Dudu para hanapan ng TV project. Perfect timing naman kasi may audition ang GMA-7 for a male lead sa Alakdana. Kinontak kasi ni Jeff Gamil si Dudu at sinabihan ng pa-audition ng GMA.

Nagtagpo sina Alden at Dudu sa labas ng GMA compound bago ang audition. Napili si Alden at ang name ni Dudu ang nakalagay sa likod ng picture nito. Tinanong pa nga raw ni Annette Gozon Abrogar kung sino ang manager ni Alden.

Si Dudu pa mismo ang nagdala ng script ni Alden for Alakdana sa Sta. Rosa, Laguna kahit gabi na. Nagkita sila roon nina Alden at Carlites at inabutan pa nga ng madir ni Alden si Dudu ng P500 para pamasahe. Nagkasundo sina Dudu at Carlites na pagtutulungan nila ang pagma-manage kay Alden.

Tuwing taping nga ni Alden ng Alakdana ay sumasama ka-join pa niya  si Dudu. Maging sa   presscon nga ng teleserye  ay kasama pa niya ang actor.

Hindi lang ‘yon, si  Dudu ang kumuha ng first endorsement ni Alden para sa Urban Apparel kasama si Louise delos Reyes.

Later on, parang nawala na sa radar si Dudu. Hindi na siya tine-text ni Alden and worst, bin-lock na siya nito sa Facebook.

Ang higit na nakakaloka, wala raw nakuhang komisyon si Dudu mula sa pagtulong niya kay Alden.

The first time we wrote about Alden’s pangde-deadma kay Dud ay nag-react kaagad si Carlites. Nag-PM ito kay Dudu at sinabing ito pa ang may utang sa kanila ni Alden. Paano nangyari ‘yon, eh, baguhan pa lang si Alden noon at hindi pa malaki ang kita. Wala nga ni isang singkong duling na natanggap si Dudu sa kanya, ‘no!

Ang nakakaloka pa, nagtaray pa ang Carlites at sinabing agent lang nila si Dudu noon.

Ganoon?

Eh, ikaw naman pala ang manager, bakit wala kang clout sa GMA-7? Bakit nagpatulong ka pa kay Dudu?

Nakakaloka ka, ha!!!

Naku, Alden, dapat alam mo ang salitang UTANG NA LOOB. Kung wala si DUDU UNAY na siyang nagpasok sa ‘yo sa GMA-7, sisikat ka ba ngayon?

UNCUT – Alex Brosas

About Alex Brosas

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *