Friday , April 19 2024

1 patay, 1 sugatan sa ambush sa Malabon

PATAY ang isang caretaker habang kritikal ang kalagayan ng isa pa makaraang pagbabarilin habang lulan ng pampasaherong jeep ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela City Emergency Hospital ang biktimang si Ernesto Galvan, 48, ng 301 M.H. Del Pilar, Maysilo ng nasabing lungsod.

Habang nilalapatan ng lunas sa nasabi ring pagamutan ang isa pang biktimang si Arnel Pilapil, 40, ng San Lorenzo St., Panghulo ng nasabing lungsod.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa insidente at pagkakakilanlan ng mga salarin.

Sa ulat nina PO3 Roger Gonzales at PO3 Alexander Dela Cruz, batay sa salaysay ng jeepney drver na si Rolando Valdez, 47, dakong 4 p.m. nang maganap ang insidente habang binabagtas nila ang kahabaan ng San Vicente St., Brgy. Maysilo.

Napag-alaman, hinarang ang jeepney ng mga suspek na lulan ng motorsiklo, tinutukan si Valdez at pinababa.

Nang makita ng mga suspek ang target nilang si Pilapil, agad pinaputukan ngunit nakapagtago sa kapwa pasahero na si Galvan na nasapol ng bala sa ulo.

Muling pinaputukan ng mga suspek si Pilapil at pagkaraan ay mabilis na tumakas. 

About Hataw News Team

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *