Thursday , April 25 2024

Ganting hakbang ni Bongbong

EDITORIAL logoHALOS dalawang buwan ang itatagal ng campaign period sa mga kandidato para sa national position gaya ng pagka-presidente at bise presidente, na magsisimula sa Pebrero 9 hanggang Mayo 7.

Sa dalawang buwang campaign period, inaasahan ng kampo ni Sen. Bongbong Marcos na magiging matindi ang binabalak ng kanyang mga kalaban sa politika para siya sirain at hindi manalo sa pagka-bise presidente.

Tiyak na uulanin ng mga paninira si Bongbong na gagawin ng kanyang mga kalaban. 

Sari-saring special operations o dirty tricks ang ilulunsad pero tinitiyak ng senador na tatalbog lamang ang gagawing paninira laban sa kanya.

Sa halip na tapatan ang paninira, magiging sandigan ni Bongbong ang katuwiran at pananalig sa taumbayan na higit na paniniwalaan ang kanyang pagpapaliwanag partikular na ang kanyang mga programa o plataporma-de-gobyerno.

Gasgas at sirang plaka ang linyang gagamitin ng kanyang mga kalaban, lalo  na  ang  kasalukuyang   adminis- trasyon na desperadong gibain ang senador at hindi manalo sa darating na halalan.

Hindi magtatagumpay ang gagawing paninira kay Bongbong. Mananalig siya sa katalinohan ng sambayanang Filipino.

About Hataw News Team

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *