Wednesday , April 24 2024

Puro sila lesser evil

USAPING BAYAN LogoNAKALULUNGKOT na sa dinamirami natin ay wala ni isa man para sa akin ang tumindig na masasabing tunay na karapatdapat na maging pangulo ng bansa. Tulad ng nakaupo ngayon sa Malacañang, puro “lesser evil” at “mediocre” ang kategorya ng mga ibig manirahan sa palasyo ng bayan.

Pansinin na ang isa sa mga kandidato ay malamig na technocrat. Ilang beses na siyang nabigyan ng pagkakataon na pamunuan ang dalawang ahensiya ng pamahalaan pero wala naman naipakita kundi kapalpakan.

Bukod sa kasalatan sa husay ay malakas ang ugong na siya ay ahente ng World Bank at International Monetary Fund. Gayon man, naniniwala ako na siya ang susunod na pangulo ng bansa. Lalong lalaganap ang neo-liberalismo na mas ipaghihirap natin kung maging tama ang aking paniniwala. 

Ang sumunod na kandidato naman ay kaliwa’t kanan ang hinaharap na bintang na korupsiyon. Naniniwala siya na walang masama sa dynasty o Kamag-anak Inc., at walang nakikita na “conflict of interest” sa paghawak ng kanyang pamilya sa iba’t ibang nagbabantayan na poder sa pamahalaan. 

Ang isa naman na kandidato ay aminado na “human rights violator” at walang mahinahon na asal sa mga hindi niya kakampi. Hindi siya nagdadalawang-isip na pagmumurahin o hamunin ng patayan ang sino man na kaasaran niya. Ano ang aasahan natin sa isang lider na parang sanggano kung umasta at mag-isip? Ito ba ang lider na kailangan natin?

Mayroon naman nag-aambisyon na maging pangulo kahit dati na niyang isinuka ang kanyang pagka-Filipino. Bagito at walang karanasan sa pamumuno at halatang natataranta sa panahon ng presyur. Magpapagoyo ba tayo sa kanya?

Ito namang huli ay malakas ang paniniwala na walang tama kundi siya. Laging atribida at napakataas ang tingin sa sarili. At katulad ng kasalukuyang pangulo, walang siyang kiyeme na hiyain ang isang makursunadahan kahit sa mga pampubliko at espesyal na okasyon. Hindi naman masasabi na wala siyang kahinaan o putik sa mukha. 

Kung ganito ang mga ‘lider’ na pagpipilian natin ay tiyak na hindi aahon ang Filipinas sa kinasasadlakan nito na kahirapan. Mananatili ang kahirapan at laging walang kuwenta ang mga tatangan ng poder. Lalong yayaman ang mayaman at mas maghihirap ang ngayon pa lang ay hikahos na. 

* * * 

Ibig ko pala na ipaalam sa lahat na ang bago kong website,www.beyonddeadlines.com ay puwede nang silipin. Ito ay maglalaman ng mga malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pa na mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.comSalamat po.

* * *

Kung ibig ninyo na maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sahttps://www.facebook.com/privatehotspringresort? fref=ts para sa karagdagan na impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *