Thursday , April 25 2024

Anne, tinawag na ‘hoe’ ni Isabelle

012816 anne curtis isabelle daza
PAREHONG pinag-uusapan sa social media ang magkapatid na Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith.

Marami kasi ang “nalalaswaan” sa na-i-post na picture ni Jasmine kasama ang bf ni Anne na si Erwan Heussaff. Sa naturang picture kasi ay patalikod na nakayakap ang naka-shirtless na si Erwan kay Jasmine.

Siyempre marami ang naglagay ng malisya.

Sa kabilang banda, tila deadma lang si Anne na involve naman sa pag-post ng picture ni Isabelle Dazahabang naglalangoy naman sa pool.

Mukhang chararat siguro ang pakiramdam ni Isabelle sa naturang picture kaya’t pinakiusapan nito ang kaibigan na i-delete. Ang masagwa nga lang ay pinag-usapan ang pagtawag ni Isabelle ng “hoe” kay Anne.

Sa slang na kahulugan kasi, “pokpok o puta” ang kahulugan ng naturang salita.

Nakakaloka ang mga may lahing banyagang Pinoy na ito (o utak-banyaga) dahil kahit saan naman talaga tingnan, mapupuna at mapapansin talaga ang pagiging sobrang liberated nila.

Tama rin lang na punahin sila dahil sa bansang ito, iba pa rin ang kulturang Pinoy pagdating sa mga vulgar na lengguwahe o aksiyon, ‘di ba mareh?

AMBETIOUSLY – Ambet Nabus

About Ambet Nabus

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *