Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Mojin binasag ang box office record sa Tsina

Mojin binasag ang box office record sa Tsina

012616 mojin
BINASAG ng Mojin – The Lost Legend ang box office record para sa local language IMAX film sa China, para maungusan ang all time box office champ sa nasabing bansa na Monster Hunt.

Mahigit na sa US$27 milyon ang kinita ng Mojin na nalikom sa mga sinehang IMAX sa China, na sadyang mas malaki sa kinita ng Monster Hunt, na ipinalabas ilang buwan lamang ang pagitan.

Ipinalabas ang Mojin, isang tomb-raiding action adventure base sa popular na serye ng mga nobela at idinerehe ng sikat na direktor na si Wuershan, noong kalagitnaan ng Disyembre ng nakaraang taon. Umiskor ang record breaker na pelikula ng 11 porsiyentong labis sa da-ting titleholder.

Dating may English title na The Ghouls, sinuportahan ang Mojin ng Wanda, Huayi Brothers at Enlight Pictures.

Lumawig ang IMAX sa China sa tulong ng Wanda Cinema Line at dalawang circuit ng pinakamalaking kliyente ng South Korean company na CJ-CGV.

Sa pagtugon sa espes-yal na mga pangangaila-ngan sa China—at ang mabilis na pag-unlad ng mga exhibition dito—nangasiwa ang IMAX ng dedikadong industriya sa nasabing bansa. Hiwalay na napalista ang unit sa Hong Kong Stock Exchange sa pagtatapos ng 2015 at nakalikom ng bagong kapital para ipuhunan sa pagpapatayo ng laboratory sa Shanghai na nagsasalin sa mas maraming lokal na mga pelikulang Intsik sa makabagong format ng IMAX.

Kinalap ni Tracy Cabrera

COMMENTS

About Tracy Cabrera

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved