Friday , April 26 2024

Masyadong nadala ng role!

00 banat pete ampoloquioHahahahahahahahaha! Puzzled na raw ang young actor na gumaganap na transsexual sa kanilang soap opera.

Pa’no raw kasi, parang he’s being haunted by the character he’s delineating. Hakhakhakhakhakhakhak!

Kung dati ay macho naman siya at confident sa kanyang sarili, ngayo’y parang hindi na siya makawala sa character na kanyang ginagampanan.

Somehow, parang palaging may pitik na at swishy-swashy ang kanyang movement.

To further complicate matters, he is seemingly scared that he’s falling for the obvious charm of his leading man. Harharharharhar!

Sino ba naman kasi ang hindi mai-in love sa kanyang leading man e napakagwapo at que largo grande pa. Hahahahahahahahaha!

Anyway, dapat lang magpasalamat ang aktor sa kanilang soap dahil na-realize niya kung ano siya.

I mean, kung ano ang tunay niyang pagkatao. Hakhakhakhakhakhakhak!

Hindi ba naman?

Hindi ba raw naman, o! Hahahahahahahahahahahaha!

Anyway, balak daw na mag-undergo ng psychiatric treatment ang young actor right after na magtapos ang kanilang soap.

Naniniwala kasi siyang lalaki maman siya at na-carried away lang ng kanilang soap na powerful naman kasi ang mga scenes kung kaya nakadadalang tunay.

Nadala lang ba siya no’ng lagay na ‘yun? Harharharharharharhar!

Hindi kaya nag-surface na lang ang totoo niyang pagkatao?

‘Yun nah! Hahahahahahahahahahahaha!

JAMES AT PAULO MAS TUMITINDI ANG IRINGAN SA “ON THE WINGS OF LOVE”

Patuloy ang iringan at pagpapasiklaban nina Clark (James Reid) at Simon (Paulo Avelino) upang makuha ang atensiyon ni Leah (Nadine Lustre) sa toprating teleseryeng “On the Wings of Love.”

Lalo pang tumitindi ang kompetisyon nina Clark at Simon nang mag-showdown ang dalawa sa isang agaw-pansing karaoke session sa surprise birthday party para kay Leah.

Mas lumala pa ang iringan ng magkaribal nang makita ni Clark na hinalikan ni Simon sa pisngi si Leah. Dahil dito, nag-alboroto si Clark at inilabas ang kanyang sama ng loob sa fiancee. Sinabi rin ni Clark ang kutob niya na may pagtingin na si Simon kay Leah.

Magdudulot kaya ang isyung ito ng malaking away sa engaged couple? Ito na kaya ang simula ng gusot sa pag-iibigang Clark at Leah na ipinasilip sa bagong “On the Wings of Love” trailer?

Handog ng trailer ang konting pasilip sa pagmamahalang Clark at Leah na parehong nagbalik sa San Francisco at mukhang magkaibang landas na ang tinatahak. Ipinakita rin sa trailer ang muling pagkikita nina Clark at Leah sa lugar kung saan sila unang nagtagpo pati ang kanilang magkahiwalay na pagbisita sa mga lugar sa San Francisco na malapit sa kanilang puso.

Saan kaya mapupunta ang pag-iibigang Clark at Leah? Abangan sa mas gumagandang mga tagpo sa “On the Wings of Love,” Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Pangako Sa’Yo” sa ABS-CBN Primetime Bida.

NAPAKABAIT TALAGA NI ATE GUY

Puring-puri si Ms. Nora Aunor ng kanyang mga katrabaho sa Little Nanay. Imagine, nang magbiyahe sila papuntang Iloilo City in connection with the promo of their soap, pina-upgrade niya ang tickets ng mga kasama para pare-pareho silang may access sa Mabuhay Lounge ng nasabing airline.

How so selfless and caring.

Anyway, happy ang GMA sa napakagandang rating ng kanilang Little Nanay na tunay namang humahataw.

Happy for you, Ate Guy. Imagine, kasabay n’yo ang soap ni Coco pero hindi kayo nagpapatalo.

Congratulations!

Anyway, kaya naman siguro maganda ang ra-ting ng soap nina Mama Guy ay dahil sa napakahusay ring umarte nitong si Kris Bernal.

Kahit ang kanyang mga quiet moments ay talaga namang remarkable at nakabibilib.

She and Nora work as a splendid team that’s why the fans are inordinately impressed.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *