Tuesday , December 9 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Level ng pagka-aktres ni Angel, nabago nang makasama si Ate Vi

011816 angel vilma
NATAWA kami nang bumeso sa amin si Angel Locsin na nagulat yata na pinahinto namin ito at piniktyuran.

“Parang bago? Akala mo hindi naman tayo laging nagkikita,” nakangiting sey nito sa amin sa tila kakaiba ngang pagrampa niya sa red carpet na inihanda ng Star Cinema for them.

“Ikaw na ang makasama ni Ate Vi,” simpleng tugon namin, sabay taas ng kanyang dalang bouquet of flowers.

Isa na nga ito sa maituturing ni Angel na mahalagang movie niya to date. Sa mga previous talk namin sa kanya, nag-iba nga raw ang level ng kanyang pagka-aktres in many sense dahil sa Everything About Her.

“Paano kasi kahit sa set lagi kaming in character dapat. Requirement ni direk, bawal ang sobrang tsismisan,”  natatandaan naming pahayag nito sa amin noong minsan naming makatsikahan ito.

Nerbiyos na nerbiyos nga siya dahil ang Star For All Season nga ang kanyang kasama at first time din niya with direk Joyce Bernal na inilarawan niyang sobrang dedicated at mabusisi.

Pero lahat naman daw ‘yun ay worth ng kung anuman dahil sa rami ng bago niyang natututuhan, alam daw niyang hindi pa sapat ang kanyang pagiging Angel Locsin.

Imagine nga naman na pati ang pagturok ng injection, pagkuha ng blood pressure at iba pa ay bahagi lang ng pangangarir na pinag-aralan at ginawa niya para mas maging effective nurse-care giver niya sa movie.

AMBETIOUSLY – Ambet Nabus

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Kean Cipriano

Kian suportado pagpasa Divorce Bill

MATABILni John Fontanilla GUSTONG makapasa ni Kean Cipriano ang Divorce Bill para mabigyang kalayaan ang mga taong naiipit o …

Will Ashley Dustin Yu

Will Ashley hindi nakikipag-kompitensiya kay Dustin Yu

MATABILni John Fontanilla HINDI kalaban ang turing ni Will Ashley sa kanyang co-PBB Collab 2.0 na si Dustin Yu. …

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …