Friday , April 26 2024

Bakit kailangang masira ako sa maraming tao?… Sana magkapatawaran kami — Direk Cathy

011816 cathy garcia molina
NAGSALITA na si Direk Cathy Garcia-Molina sa open letter na kumalat sa social media. Ito ay kagagawan ng nagngangalang Rossellyn Domingo  na sangkot ang boyfriend niyang si Alvin Campomanes na minura umano sa taping ng seryeng Forevermore.

Umiiyak si Direk habang ikinukuwento niya ang kanyang side kay Kuya Boy Abunda. Dahil sa isyung ‘yan ay hinusgahan siya sa social media at tinawag na bitch, satanas, mal-edukada. Ang hindi niya matanggap ay pati mga anak niya, magulang, yumaong asawa, kapatid ay idinamay na sa isyu. Hinatulan siya ng social media na hindi niya nasasabi ang side niya.

Binantaan pa ang buhay niya dahil p30,000 lang daw ang bayad sa Riding in Tandem.

“Andito na po ito, nailabas na sa social media.

“Nagalit na sa akin ang tao, pinangalanan na ako ng kung ano-ano, marami nang sumawsaw.Marami na ang akala ko, nakaiintindi dahil galing sa industriya na hindi pala.

“I never intended to hurt anyone pero with the words that I have been reading towards me and my family, parang walang intensiyon kung hindi saktan ako at husgahan ako sa isang bagay na hindi naman nila narinig ang side ko.

“’Di ba sabi niya, I demand justice. Kapag justice, may dalawang sides. Kaya nga siya tinitimbang kasi hindi puwedeng walang laman ‘yung isa. Sana pinakinggan na lang muna ako. After nito kung maririnig nila, then it’s for them to judge me dahil I’ve done my part,”  sambit ng director.

Ikinalulungkot niya na nakapagmura siya sa mga tao na hindi alam ang industriya.

Sinagot niya ang nasa open letter na ”For evil to triumph is for good men to keep quiet.”

“Nahiya naman ako roon, Tito Boy, kasi ibig sabihin niyon, ako ang evil at siya ‘yung good man. I have made mistakes, but I am not an evil person,” deklara niya.

“I was far from the set. Alam naman po natin ang La Presa, laging malalaki ang shots. Ako po ay naka-mikropono na malayo na sa tent, hindi ko na sila halos nakikita. Ano naman po ‘yon, SOP na magbibigay ako ng directives, ng directions, and it was the Assistant Director na siya na ang nagpapatakbo ng set. Maraming rehearsals, instructions, hindi nakuha, okay. Hindi uli nakuha, okay. ‘Yung sumunod, nagsalita ako.

“To be exact, ang sinabi ko, ‘Sino ba ang kausap mo? Ba’t di ka tumingin, tingnan mo, ang kulit mo naman e pakshet ka.’”

Kung nalaman lang daw ni Direk na baguhan ang artista niya, hahabaan niya ang pasensiya niya, hindi dahil isang guro si Alvin.

“Magbabago kung malalaman kong bago siya. Magbabago ang pagtingin ko sa kanya ko kung malalaman kong bago siya kasi hahaba ang pasensiya ko sa kanya. Sabi niya equal iyon, ang equal doesn’t matter if you’re a professor, mahirap kang tao, wala kang pinag-aralan. Dumating ka sa set ko bilang artista, I expect you to deliver as an actor.

Beyond that, hindi ko na aalamin kung ano ka pa. It doesn’t matter. Pero kung bago ka o beterano ka, magma-matter iyon kasi hahaba ang pasensiya ko para sa ‘yo. Hindi naman ako masamang tao para i-expect kitang maging perfect knowing that this is just your first stint.”

Ibinase rin sa open letter ang character ni Direk Cathy  sa nobela ni Jose Rizalna Noli Me Tangere, gaya nina Padre Damaso, Donya Victorina, at Padre Salvi.

“I am not intelligent. I am not as intelligent as him. But I am not heartless. I may have committed mistakes, I have made a lot of mistakes, I have offended people time and again.

“Hindi ako malinis na tao, hindi ako masamang tao. Nagmumura ako, yes. But I don’t think it’s a gauge of a good person or bad. And not because I’m religious, I am neither religious nor pagan, but I just believe in the higher God.”

Tinanong din ni Kuya Boy kung pabor siya na masuspinde siya sa trabaho.

“Hindi ko alam Tito Boy, ang tanging alam ko, nagmura ako. ‘Yun ang tanging alam ko, hindi ko siya minaltrato. Hindi ba niya na-appreciate na tinawag ko silang mga artista ko because that’s what I believed in. I believe that talents or extras, if you may call them, they are also actors. Pare-pareho ‘yan sa akin. Pero tinira naman niya ako roon sa bakit sa pagkain, hindi ko tinatawag.Wala akong tinatawag sa pagkain, ‘yung lamesa namin, kasya iilan lang tao.Tatawagin ko pa ba sila? Kasamaan ba ng ugali ko ‘yung hindi ko siya natawag sa pagkain? Pati ba ‘yon, akin pa rin?”

Willing humarap si Direk Cathy na humingi ng tawad kung may nasaktan siya. Pero sana raw ang pangayaring ito ay may natutuhan sila pareho pati na ang industriyang ginagalawan nila.

“Bakit hindi niya ako hinanap, bakit hindi ako ang dinirekta niya, bakit hindi ako ang minura niya? Bakit hindi ako ang inaway niya, para ako lang ‘yung nasaktan. Kasi siya lang ang nasaktan ko, hindi naman ‘yung pamilya niya. Wala namang nakaaalam na na-offend ko siya, wala naman akong ibang na-humiliate other than him, himself. Not even his persona, siya lang. I mean ‘yung character niya lang ang na-offend ko. Bakit ako, bitbit lahat? Bakit kailangan masira ako sa maraming tao? ‘Yun po ang hindi ko naiintindihan.Kung anuman po ang dahilan niya, tama si Rossellyn, sana magkapatawaran kami,” bulalas pa ni Direk Cathy.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *