Wednesday , April 17 2024

Unipormeng pang-awtoridad dapat igalang ng TV networks

OTWOL PNP uniformNAIINTINDIHAN natin ang sentimyento ng Philippine National Police (PNP) nang tawagin nila ang pansin ng ABC CBN at ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa isang eksenang lumabas sa teleserye gamit ang kanilang uniporme.

‘Ito ‘yung bridal shower scene sa teleseryeng On The Wings of Love (OTWOL) na tila sini-seduce for sexual act ng lalaking naka-unipormeng pulis ang isang babae (ang kanyang misis) sa pamamagitan ng sexy dancing.

Kahit nga naman sa totoong buhay, hindi dapat gawin ito, bilang paggalang sa unipormeng pang-awtoridad.

Kung mayroon mang gumagawa nito sa mag-asawahan, ‘yun ay private matter pero masagwa pa rin.

Imadyinin nga ninyo sa totoong buhay na ang mga taong naka-uniporme ng pulis, guro o sundalo ay nasa sitwasyon na tila naglalampungan, magugustuhan ba ninyo?!

Hindi ba’t talaga namang kasita-sita?!

‘E di lalo na kung props lang sa isang palabas ‘yung uniporme.

Kumbaga, ginamit na nga ninyong props, hindi pa inirespeto?!

Naniniwala tayo na dapat maging sensitibo ang mga programa sa telebisyon (lalo na’t alam ninyong pinanonood kayo ng mga kabataan) sa paggamit ng mga uniporme ng mga awtoridad.

Palagay natin ay nasa kamay na ng MTRCB ang pagpapasya kung paano nila aaksiyonan ang reklamo ng PNP.

Aabangan po natin ‘yan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *